Epilogue

19 2 2
                                    

Epilogue

—YSLA ALONZAGA—

"You wanna eat with me?"

"No thanks."

"Come on Ysla, this'd be my treat."

"Okay lang. May pera ako."

"It's not like that. You know? Wanna hang out—"

"Mauuna na 'ko ha. May pupuntahan pa 'ko e."

"Wait! Hatid na kita—Ysla!"

Hindi ko na hinintay pa na mahabol ako nito at agad na akong sumabay sa mga kaklase ko na papalabas na din ng room.

"Teka, hintayin n'yo ko. Hinahabol ako ng aswang." Banggit ko nang makita sila Fiona at Jake.

Mga kaklase ko sa Management.

"Sino? Si Samuel?" Tanong ni Fiona na sabay sa lakad ko.

"Gustong gusto ka non ano?" -Jake.

"Hindi ko naman s'ya gusto." Dikit ang kilay na sabi ko sa dalawa.

"Ang sama nga ng tingin sa'kin kanina." Nakangusong sagot ni Jake.

"Duwag mo naman masyado." -Fiona.

"Hoy! Anong duwag?!" -Jake.

"Totoo naman!" -Fiona.

"Ysla duwag daw ako!" -Jake.

"Duwag ka naman talaga." Gatong ko na lang sa kanila na hindi matigil sa pagbabangayan. "Nga pala, dederetso ako sa club room. Sasama kayo?" Tanong ko sa dalawa.

At bago pa man ako makalingon sa kanila ay agad na silang nauna nang lakad sa akin.

Edi waw. Sabi ko ako ang pupunta sa club room tapos sila pa ang nauna sa akin. Akmang susunod na ako sa dalawa nang biglang magring ang phone ko.

At hindi ko alam ang gagawin nang lumitaw ang panglan nito sa screen ng cellphone ko.

Nakita ko ang paglingon ng dalawa sa akin bago naglipat ang mata nila sa phone ko, bago sa akin, at aa phone ko ulit, bago magtitugan silang dalawanat sabay na sinabi—

"Si Samuel 'yan ano—?"

"Who is Samuel?"

Halos takasan ako ng kaluluwa sa katawan nang biglang sumulpot ang boyfriend ko na kalalabas lang ng office ng History professor.

Ah! Ang bonak ng dalawa!

Sa kaba ko ay wala akong nagawa kundi ang panlakihan ng mata ang dalawa na ngayon ay gulat din sa biglang pagsulpot nito.

"Who's that Samuel guy you're talking about?" Paguulit nito. Kagat labi akong lumapit kay Hakuna.

Hindi n'ya kasi kilala si Samuel! Hindi ko na sinabi sa kanya kasi akala ko naman tatantanan na ako nung lalaking 'yon.

"Ano... Kasama ko sa Manage—"

"Koreano'ng manliligaw ni Ysla."

Go With The FlowWhere stories live. Discover now