Chapter 28: Late Group Project
—YSLA ALONZAGA—
Agad kong naibagsak ang balikat nang makaramdam nang antok at pagod.
Halos tatlong araw na ang grupo namin ay puyat at busy na tapusin ang project. At masasabi kong iisa na ang itsura naming magkakaklase dahil kahit ang ibang grupo ay hindi din magkaandugaga sa pagtatapos ng project.
"Bakit ganito magpaproject si Sir." Reklamo ko.
"Patapos naman na tayo." Pagpapalubag loob ni Kyle sa amin.
"Mga 3/4 na lang. Meaning, 74% pa lang ang natatapos natin. May natitira pang 26%, tapos bukas na ng hapon ang pasahan." Singit ni Han dahilan para batukan s'ya ni Twist.
"Tange! Imbis na pagaanin mo ang loob natin, mas lalo mo lang kaming pinakakaba." -Twist.
"Tiwala lang kasi. Sure ako na bago maghapon bukas, tapos na din tayo." -Bell.
Pareparehas kaming mga sabog habang pinagagaan ang loob ng bawat isa. Nakaupo sa bench ng school habang nagtatapos ng project.
Sa tatlong araw na naghahabol kami ay tatlong araw din na sa project lang umikot ang mundo ko.
Hindi na kami sabay umuwi ni Aloha dahil naghahabol din 'yung grupo n'ya. Parehas kaming may kan'ya kan'yang meeting place pagdating ng uwian.
(-_-;)・・・
Tatlong araw na din kaming hindi nagkikita ni Kun. Tatawag s'ya sa'kin pero kakamustahin lang ako. Alam n'yang busy ako kaya binigyan n'ya ako ng time. Tutulungan pa sana n'ya ako pero pinilit ko s'ya na wag na dahil una sa lahat, project ko 'yon, at pangalawa, may sarili pa s'yang mga gawain. Sinabi ko na imbis na ako ang intindihin n'ya ay mas intindihin n'ya 'yung kan'ya.
And speaking of the devil, bigla na lang tumawag ito sa akin kaya tumayo muna ako at lumayo sa mga kagrupo ko.
"Excuse lang. Sagutin ko lang 'yung tawag." Pagpapaalam ko at tumango naman sila. "Hello?"
[Hello, are you busy?] Bungad nito dahilan para patahimikin ko ang sarili at pigilan ang nagbabadyang ngiti mula rito.
"Continuous pa rin 'yung group project namin." Sagot ko dito.
[Tsk. Even though you told me you're finishing 'em early, I bet you did not sleep for three days.]
"Uhmm. E, wala naman akong choice kasi."
[I told you, I'll help you. Kulit mo masyado, akala mo kaya mo lahat.] Sabi nito mula sa kabilang linya.
"Okay nga lang sabi. Bayaan mo na. Bukas naman pasahan na. After non, wala na akong ibang gagawin. Kahit gumala pa tayo." Pampalubag loob ko rito dahilan para bumuntong hininga ito.
[I missed you, Ysla.] Reklamo n'ya habang ako naman ay napakagat na lang sa labi habang parang tanga na nagpipigil ng ngiti.
"Anue ba."
[Say you missed me too. Come on, don't kill me.]
"Tsk, alam mo na 'yon."
[I wouldn't know unless you say.]
"Hakuna." Babala ko dito pero hindi pa rin n'ya ako tinigilan.
[Nahihiya ka pa e! Come on. My seatmate is listening too, won't you let 'em here you?]
Agad akong napaisip sa sinabi n'yang seatmate. Unang pumasok sa isip ko si Audrick pero nang maalala na may kaliwa at kanan sa salitang 'seatmate' ay napaaayos na lang ako ng tayo.
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...