Chapter 19

10 3 0
                                    

Chapter 19: No Fun Travel Bud

—YSLA ALONZAGA—

"Babae 'yon?!"

"Oo nga sabi."

"Sure ka kuya babae 'yon? Bakit ang pogi? Mas pogi pa nga sa'yo e." At dahil sa sinabi ni Aloha ay nawala na lang ang ngiti ng kapatid n'ya.

Si Kuya Khan.

(─.─||)

Anyways, nasa kotse na kami at hindi namin alam kung saan kami dadalhin nitong panganay sa magkakapatid. Basta daw gagala kami.

So ayun nga, bigla namang natanong ni Aloha 'yung tungkol sa kasama ni Khan sa loob ng hotel room sa SAGO noong mga panahong umuulan at nagpasundo kami kay Kun.

Hindi naman ako makapaniwala nang sabihin n'yang babae pala 'yung nahuli naming kasama n'ya sa kwarto at hindi pala naman lalaki.

Pero ayun, katabi ko si Kun. Si Kuya Khan ang nagddrive habang si Aloha naman ay nasa tabi ng driver's seat na panay ang silip sa aming dalawang nasa likuran.

✧\(>o<)ノ✧

Kaso...

Kanina pa hindi nagsasalita itong kapatid n'ya.

Maingat kong sinilip ito at nakitang sa labas lang ang tingin n'ya habang naka earphones nang maalala ko 'yung eksena rin dati dito sa kotse ng kapatid n'ya.

Para kang inapi ni Kuya Khan
:))))))

Nakita ko paglingon nito sa akin nang danggilin ko s'ya ng bahagya para basahin n'ya ang nasa notes ng phone ko.

Stop mentioning it.
Para namang may choice pa ako.

Meron.
Pwede ka namang maiwan sa inyo
🙃🤭

Magsusumbong kay Daddy 'yan.
Dad said to HANGOUT on weekends.

Eww, sounds like girls day out.
¯\___/¯

You make it sound that way, duh.

Bakit you sound like Bretman.
Ulit nga sa 'Duh'

My goodness para ka nang si Aloha.
Why are you guys so weird?

We're friends, duh.
🙄

No wonder
¯\_( ͠° ͟ʖ °͠ )_/¯

Kamukha mo 'yan. Why
;' ۝

Ang alin?

My gosh bakit ang slow mo?
Hirap pag masyado ka nang OG

Excuse me whut?

Aral pa ng sobra.
You're missing out teenage humor
(。・//ε//)

Is that a kiss?

What the heck?
Ano kamo?

Nothing:))
You're missing out pick-up humors

Agad na napatingin ako dito nang hindi makapaniwala dahil sa mga pinagsasabi n'ya.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now