Don't come near me

166 12 3
                                        

Thirty Five: My Vampire Lover 💐

Don't come near me




"ANONG SA TINGIN NIYO ang nangyari sa kaniya?"


"I hope she wakes up soon. She's been out too long."


Nakakarining ako ng mga familiar na boses na nag-uusap sa aking paligid.


Marahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang ilang mga tao na nag-uusap malapit sa kinaroroonan ko.


Naghintay pa ako ng ilang sandali bago luminaw sa aking paningin ang nasa palagid. I saw them...it's really them right?


"Eli..." sabay-sabay nilang tawag sakin.


Ang iba pa sa kanila ay tila naginhawahan pagkakita nilang gising na ako. Sila talaga ito, diba? Hindi ako nanananginip o nag-iilusyon lang. Sila nga talaga ito!


Mabilis akong naupo galing sa pagkakahiga at agad na niyakap ng mahigpit ang taong pinaka malapit sa akin. 


Sa pagkakataong ito ay si Jimin ang siyang yakap-yakap ko, siya kasi ang pinaka malapit sakin dahil siguro siya ang gumagamot sa mga sugat ko.


"Nandito lang kami, Eli." alo niya sakin habang yakap din ako. 


He kept looking at the others in confusion. Marahil ay nabigla siya sa aking ikinilos. Mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit ng maramdaman ko din ang yakap niya. This is I needed so bad.


Ilang sandali lang ay tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, para akong isang batang paslit. Samu't sari na kasi ang emosyong nararamdaman ko. At sa tingin ko ay kung hindi ko pa ilalabas lahat ng ito ay mababaliw na ako.


I was already choking on my own tears because I was forcing myself to stop but I just can't. Tuloy-tuloy lang sa paglandas ang aking mga luha.


Ramdam ko ang paghimas ng palad ni Jimin sa aking likuran para aluhin ako habang si Jin naman ay hinihimis din ako sa ulo na para bang isang batang paslit na pinapatahan sa pag-iyak. 


Ang iba ay tahimik lang na nakatingin sa aming tatlo, kanina ko pa gustong tumigil sa pag-iyak pero parang may sariling isip ang mga mata ko at ayaw sumunod sa akin.


After a few minutes of crying my heart out I managed to calm down thanks to them.


Inabutan agad ako ng isang basong tubig ni Namjoon at agad ko iyong inubos. Kahit paano ay nakatulong iyon para lalong pakalmahin ang aking sarili. 


Gamit ang aking mga palad ay pinunasan ko ang natitirang luha sa aking pisngi pero nakaramdam ako ng matinding hapdi doon.


My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon