Seventy Eight: My Vampire Lover 💐
ANG LAHAT AY PARANG BUMALIK LANG SA NORMAL...halos.
Ang iba sa amin ay kaylangan ng bumalik sa pag-aaral dahil matagal din kaming hindi nakapasok at ang iba ay kaylangan pa rin mag monitor sa kompanya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi nagigising si Mr. Damon pero hindi kami nawawalan ng pag-asa. Alam ko at naniniwala kaming gigising siya. Ang tanging problema lang ay hindi namin masasabi kung kaylan.
Maaring bukas o makalawa, sa susunod na buwan o marahil ay taon. Kahit kaylan pa iyon ay maghihintay kami. But, the sooner the better, I guess.
Ang iba sa mga kaklasi namin tulad nina Jiyong at Beakhun ay dumalaw din sa hospital. At ang mga iba pang mga kamag-anakan nila ay bumisita din.
Salitan din kami sa pagbabantay kay Mr. Damon. At ngayong araw ay kaming dalawa ni Jungkook ang naka schedule para mag bantay.
Si Jin kasi ang in-charge sa kumpanya habang ang iba ay sila naman ang pumapasok ng paaralan tuwing gabi.
Kasalukuyan kong inaaral ang ibang mga lectures na hiniram ko kay Jin.
Kaylangan kong manghiram dahil halos lahat ata ng mga subjects ay kulang ako, manghihiram din sana ako kay Jiyong pero naalala kong hindi nga pala nagsusulat ang isang 'yon.
Si Jungkook naman ay busy sa pag-aasikaso kay Mr. Damon.
Pinapalitan niya ito ng damit pagkatapos punasan ng malinis na bimpo ang buong katawan. Actually, gawain iyon ng personal nurse ni Mr. Damon pero si Jungkook ang nag-insist na siya na raw ang gagawa.
"Ang sabi pala ni Jiyong ay may exam daw tayo next week. Sa tingin mo ba makakahabol pa tayo?" Tanong ko.
"I don't know," kibit balikat nito. "You'll be fine though, madalas ka naman mag review most of the time."
"Paano ka at ng mga kapatid mo? Alam kong likas na sa inyo ang pagiging matalino pero ni minsan ata ay wala man lang akong nakita sa inyo na nag-aaral at nagbabasa ng mga lectures nitong mga nakaraang araw." tanong kong muli.
Ayoko lang kasing may bumagsak sa exam as much as possible.
"I'm not worried about my grades, there are more things to be worried about." anito habang tinatanggal ang towel.
"Gaya ng ano?" bigla kong tanong at mabilis na sinara ang notebook na aking binabasa.
"You," sagot niya. "We're still not settled with Lucian, I know he's still scheming something. I don't want him to take you away again." seryoso nitong sabi.
"Kung magbabago man ako muli—na huwag naman sana. 'Wag kayong mag-dalawang isip na labanan ako. Kung kinakailangan gamitan nyo ulit ako ng gamot na pampahina gawin niyo, ayos lang sakin." Sabi ko.
Sumimangot ito. Alam kong hindi niya gusto ang idea kong iyon.
"Ano pang inaalala mo? May iniisip ka pa bang iba?" Tanong ko since ayokong maging awkward yung atmosphere.
"Father." sagot niya. "I want him to wake up so badly. I know I wasn't a really good son, and I know I treated him coldly at times but if feels incomplete to not have him around. I miss him."
Sinong bang hindi nami-miss si Mr. Damon?
Lahat kami lalo ng ibang boys. They do act distant cold with him but I just think it's their unique way of showing their love. Hindi naman nila maitatanggi ang lahat ng gusto nila pero lumalambot sila pagdating sa kanilang ama.
BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
General FictionNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...