Thirty Four: My Vampire Lover 💐
Vial
"ELIANA...my dear Eliana." Tinakpan ko ang aking mga mata dahil sa sobrang liwanag.
Kinusot ko ng ilang beses ang aking mga mata bago tuluyang nabuksan ang mga ito, pero higit akong nabigla sa aking nakikita pagkamulat ng mga mata ko.
"M—mommy?" basag ang aking boses habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha sa aking mga mata.
"Ako nga ito, anak." Mabilis ang naging kilos ko at mahigpit ko siyang niyakap. I miss her so much.
"Mommy...mommy...miss na miss ko na po kayo, I love you mommy." Patuloy ang aking pag-iyak habang mahigpit ang yakap sa kaniya na para bang ayoko ng magising kung panaginip man ito.
She hugged me back and she gently ran her fingers through my hair just like she always does.
"Magpakatatag ka, Eliana. I know you're scared but you need to be brave. Don't let them scare you...basta palagi mong tatandaan, anak, mahal na mahal ka ng mommy, okay?"
Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa pag-iyak, "Mommy, huwag ka ng umalis, huwag mo akong iwan, mommy...Please, don't leave me!" I sobbed but there was this blinding light...then she disappeared and left me alone.
Mabilis kong naimulat ang aking mga mata at umupo sa pagkakahiga habang pinagpapawisan ng malamig. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hinihingal na para bang tumakbo ako ng napakalayo.
It felt so real.
Sobrang miss na miss ko na ang mga magulang ko. My tears were still running down on my cheeks, I was about to wipe them but I realized that I couldn't move my other hand.
"Shit..." napamura ako ng ma-realized ko kung saan nga ba ako. Naalala kong sinikmuran nga pala ako ng kasama ni Lucian at ng step-mother ko at dinala ako sa lugar na ito.
Ang isa kong kamay ay nakaposas paatas sa headboard ng kama. Sinubukan ko itong hilahin pero nakaramdam lamang ako ng sakit dahil lalo itong humigpit.
Darn, saang lugar nila ako dinala?!
Isang lumang bahay ang una kong napansin. Malaki ang kwarto at wala kahit anong gamit maliban sa kamang hinihigaan ako. Mukha ring matagal ng walang namamalagi sa lugar na ito dahil sa makapal na alikabok at agiw sa palagid.
I'm scared about what's going to happen, especially since I'm all alone right now with no one to help me.
Muli akong huminga ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili, inaalala ang panaginip ko kanina. Mom told me to be brave, I have to be. I don't know if I'm going to be saved by anyone but I need to trust them.
BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
General FictionNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...