Pained

142 11 0
                                    

Forty: My Vampire Lover 💐


Pained




ANONG GAGAWIN KO? 


Sa kalagayan ko ngayon, siguradong wala akong laban sa kaniya. Pero bakit ba siya nandito? Anong kaylangan niya?


"If you keep quiet, I won't do anything bad to you." aniya na nagbabanta. Nakatakip pa rin sa bibig ko ang isa niyang kamay, gustohin ko mang maglaban ay hindi ako makagalaw. Tumango lang ako bilang sagot. "Good girl." nakangising sabi niya bago alisin ang kamay sa akin.


Galit ko siyang tinitigan. Hindi ko kasi maintindihan...ano bang ginagawa niya dito? "Anong kaylangan mo sakin?" tanong ko.


"How are you feeling?" tanong ni Jiyong.


"Why are you even asking? Ano bang pakialam mo?" sagot ko pero patuloy pa rin siyang nakatingin sakin ng seryoso.


Hindi kami close na dalawa. Hindi ko rin siya madalas makausap o ngitian kahit pa magkaklase kami. Kaya't bakit siya nandito at umaaktong akala mo ay kaibigan ko?


"Something's different from you Eli. Matagal na kitang ino-obserbahan." sabi niya na lalong lumapit sakin.


Umatras ako palayo sa kaniya pero walang hirap ako nitong hinila pabalik, mas malapit sa kaniya.


"Stay still or else." aniya. His voice was filled with warning that I didn't move at all. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang loob ko sa kaniya, kahit dati pa.


Marahan niya akong hinawakan sa aking pisngi. Lumapit pa siya lalo hanggang ilang pagitan na lamang ang layo ng labi niya sa labi ko. Pero alam kong hindi niya ako hahalikan, sigurado ako...bagkus, tila kinakabisado niya ang bawat sulok ng aking pagkatao pati nang aking amoy.


"You smell so good." Napaigtad ako nang maramdaman ang labi niya na naglalakbay sa aking leeg pababa sa aking balikat. "No wonder those brothers are too possessive of you." dagdag niya.


"Bakit mo ba ginagawa ito? Why are you suddenly acting like this? Please lang...ayoko ng gulo. Umalis ka na." sabi ko. Pilit akong nagpapakatatag.


"Not a chance Eli." sabi niya. "At walang gulo ang mangyayari...kaya bakit takot na takot ka?" nakangisi pa rin siya.


Natatakot ako pero hindi sa kaniya. 


May pakiramdam kasi ako kung anong susunod na mangyayari kapag nagpatuloy pa siya sa kaniyang ginagawa. Hangga't maaari ay iniiwasan naming magkaroon ng gulo. Lalo na ngayon...


"Please, huwag mo 'kong hawakan." tinulak ko siya. He was caught off guard for a moment but he looked amused afterwards.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon