Picture

156 12 1
                                    

Fifty nine: My Vampire Lover 💐


Picture



PAGKATAPOS kumain at naglinis ng pinagkainan, nagpahinga na lahat kami.

Jin told us that they should take a break from training for a while. Ang iba ay nanatili sa kani-kanilang mga kuwarto, habang ang iba ay nagtungo sa play room ng mansiyon at naglaro 'dun ng pool at darts. Ako naman ay nagtungo sa may library para sa gagawing research sa activities na ibinigay sa akin ng aming guro.

I decided to hang-out in the library for a while since I wanted to do some reading. Kasalukuyan akong nagbabasa at naglilipat ng mga pahinga ng libro nang mapansin ang isang lumang litrato.

Nang tignan ko ito ay agad na nakilala ko si Miss Elaine, Mr. Damon at si Lucian sa litrato, may isang tao pa ang nandito kasama nila. They are all probably still teenagers during this time. Iniisip ko kung sino ba ang isang tao na 'yon.

"Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap." lumingon ako at nakita si Taehyung.

"Ahh, ginawa ko kasi 'yung activities na ibinigay ni Mam." sagot ko. "Lalabas na din niyan ako."

"Mukhang malalim ang iniisip mo." Nabigla ako nang mag-iba bigla ang boses nito. Pagtingin ko nandito rin pala si Jungkook.

"Oh... kayo pa lang dalawa 'yan." ilang kong sabi. They exchanged confused glances. Seriously, ang dalawang magkapatid na 'to hindi alam ang salitang awkward.

"Ano ba yan?" Tanong ni Taehyung tsaka ito umupo sa tabi ko. Sumunod din si Jungkook, at umupo naman sa tabi ni Taehyung.

"Ah... kilala niyo ba kung sino itong isa pang lalaki sa litrato?" tanong ko. "May kapatid din ba ang Mama niyo?"

Inabot ni Taehyung ang litrato at pinaka titigan ito, ganoon din si Jungkook. "Hindi ako sure, ang alam ko lang ay ka close siya ni Mama." sabi nito.

"Paanong ka close? Kaibigan? Kapatid? Pinsan?" tanong ko ulit.

"Oh right." tumatangong sabi ni Taehyung. "Natatandaan ko na madalas itong bumisita sa bahay nung mga bata pa kami. I think he's father's best friend or something na ganoon. Natatandaan ko 'rin nung minsang sinabi ni Papa na pinagselosan niya ito 'noon." Kuwento ni Taehyung.

"Nasaan na siya ngayon?" tanong ko.

"Hindi namin alam." he shrugged. "Madalas siya noon bumisita sa bahay pero kalaunan ay tumigil din siya at hindi na namin siya nakita pa, basta 'yon lang ang tanging natatandaan ko noon na sinabi ni Papa."

Muli kong tinitigan ang lalaki sa litrato. Iniisip ko kung ano bang connection nito sa kanila. He also looks... familiar.

"As far as I remember, he's friends with father but he's on bad terms with Lucian." dagdag ni Jungkook.

"Oh well... sa tingin ko ay kaylangan ko ng tumigil sa kakatanong tungkol sa kaniya simula ngayon." natatawa kong sabi tsaka ako tumayo. "Tara na."

Ibinaba ni Taehyung ang picture at tumayo na rin ito.

"Bakit nga pala kayo magkasama na dalawa?" bigla kong naitanong.

"Is it bad that we're together?" nagtatakang tanong ni Jungkook tsaka sila nagtinginan na dalawa.

Ngumiti ako tsaka umiling. "Never mind."

"You know you need to stop worrying about us." Sabi ni Taehyung habang naka sunod silang dalawa sakin.

"Nag-aalala lang ako tungkol sa nangyari 'nung last time." bumuntong hininga ako. "I'm really sorry about it."

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon