Mirror

64 5 0
                                    

Seventy Three: My Vampire Lover 💐

Mirror



AKO ang nagdala sa kanila dito. Nangyari ang lahat ng ito dahil sakin...

Mariin akong napapikit at nag babakasali pagmulat ko ay panaginip lang ang lahat ng ito, pero hindi...

Dahil sakin ay nasaksak ni Lucian si Mr. Damon. Dahil iniligtas niya ako. At dahil na naman iyon sa akin!

Sobra ang pag-aalala at pag pa-panick ng magkakapatid. Ngayon ko lang silang nakitang ganito, na takot na takot.

Amanda and Lucian were still here.

"You know where to go Eli, welcome na welcome ka dito ano mang oras." Nakangising sabi ni Lucian bago sila naglakad pabalik sa loob ng isang bahay.

"Come on Eli." Ani Jungkook habang marahan niya akong hinila patayo.

Akala ko ay okay lang siya at normal lang ang pagkilos niya, pero the moment na makita ko ang mukha niya, parang piniga ang puso ko.

Mariing naka tikom ang bibig niya at halata sa itsura nito ang samut saring emosyon, takot, galit at lungkot.

"Kaylangan nating mahanap ang daan pabalik sa lungsod, bilisan na natin." ani Jin habang tulong-tulong sila sa pag-alalay kay Mr. Damon.

"I'll lead the way, I think I remember the way back." mabibilis ang kilos na sabi ni Namjoon,

"Let me help." dagdag ni Suga.

Halos mawalan na ng malay si Mr. Damon dahil sa sobrang dami ng dugo ang nawala sa kaniya. Ang kaninang mestisong kulay niyang balat ay maputla na ngayon.

Mabuti na lang at mabilis na nahanap nina Namjoon at Suga ang daan pabalik. The moment we got there, someone was kind enough to offer a ride to the hospital.

Sina J-hope, Jin at Mr. Damon na lang ang pinasakay namin sa kotse dahil maliit lang iyon. The rest of us rushed to the nearest hospital by foot.

Pagdating namin doon ay agad namin nakita sina Jin at J-hope na naghihintay sa labas ng operating room.

"Komusta siya?" Tanong agad ni Namjoon pagkalapit sa dalawa.

"Ginagawa na ang lahat ng mga doktor ang makakaya nila para mailigtas si Papa." sagot ni Jin. "But they can't ensure his safety yet."

Tumingin ako sa nasabing operating room, madami ang nurse sa loob. Familiar sakin ang ganitong eksena. And I hate it...

We all suddenly heard a long beeping sounds which made all of us freeze on our spot.

Huwag, huwag muna ngayon please...

"Hey, are you all even doing your jobs?! Do something!" biglang sigaw ni Jimin habang kinakalampag ang malaking pintuan ng operating room.

"Jimin, kalma ka lang. They'll do something...I know they will." Seryosong sabi ni Jin, pero halata sa mukha niya ang pagtitimpi na huwag sumugod sa loob ng kwarto.

"Damn it!" Frustrated na sabi ni Taehyung na naka upo habang takip ng dalawang palad ang kaniyang mukha. Sigurado akong umiiyak siya ngayon.

Alam ko ang pakiramdam ng ganito. Naramdaman ko na ito noon, nung nag-aagaw buhay si Mama. Nurses were rushing in and out of her room, the constant loud beep coming from the heart monitor and the doctor that's trying to revive her...

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon