Symptoms
Samantha's POV
Nagpa-deliver na lang ako ng 2 pcs. chicken leg, tapos 3 rice and 1 large coke. Um-order din ako ng 2 regular fries and 1 burger. Hmmm. Ang sarap! Habang kumakain, nanuod din ako ng movie. A walk to remember.
Sa bandang dulo, hindi ko namamalayan na umiiyak na ko. E nakakaiyak naman talaga e. Pagkaubos ko naman ng mga kinakain ko ay saktong natapos ang movie.
Tiningnan ko ang oras and it's already 9 pm. Hindi pa naman ganon kagabi, pero dahil siguro napagod ako sa mga nangyari sa buong araw na 'to ay inaantok na ko. Umakyat na ko sa kwarto at nahiga. Maya-maya naman ay nakatulog na ko.
Nagising ako dahil sa lakas ng ulan na may kasamang kulog at kidlat. Uuuhhh... hindi po ako takot sa kulog at kidlat. Pero kailangan ko po talagang magkumot ng ulo ko e. He-he.
Hinila ko ang kumot para takpan ang ulo ko. Pero... waaahhh! Mommy! Daddy! Naiiyak na ko. Bakit naman ngayon pa umulan ng malakas?! Wala kong kasama.
Tumayo ako at hinanap yung switch ng ilaw. Nahanap ko naman ito kaagad pero ayaw bumukas! Don't tell me brownout?! Waaahhh!
Kahit natatakot ako ay sinilip ko ang labas at laking pasasalamat ko ng makita ang naka-park na kotse ni Angelo. He's here! But... where is he? Bakit hindi pa siya natutulog at tumatabi sakin?
Kinuha ko yung unan ko dahil... uuhh ewan. Pantakip? "Angelo..."tawag ko sa kanya pagkalabas ko ng pinto ng kwarto..Wala akong makita at sigurado akong wala siya sa baba. Kasi kung nan'don siya, dapat binuksan niya na yung generator. Maybe, nasa kabilang kwarto siya?
Kumulog na naman kaya napatakip ako sa tenga ko. Parang naiiyak ako. Huhuhu. Natatakot na talaga ko. Muling kumulog kaya naman nagmamadali akong pumunta sa kabilang kwarto at pinihit ang doorknob pero naka-lock.
Muling kumulog and I was shaken by that. Kaya naman agad akong kumatok sa pinto. Hinawakan ko ng mahigpit yung unang hawak ko.
Angelo's POV
Nagising ako sa katok mula sa pinto. D*mn! Ngayon na nga lang ako nakatulog dahil kanina pa ko di makatulog! And I'm really certain that that is Sam. But... what the hell?! Tulog na siya kanina nung pag-uwi ko ah!
Binuksan ko ang pinto and I found her standing there while holding a pillow at nakayuko. Suot niya pa ang pink pajama niya and she really looks adorable."Why are you--"naputol ang sasabihin ko ng kumulog ng malakas at nakita ko siyang bahagyang nanginig at napahawak ng mahigpit sa unan niya.
"A-angelo... can I sleep here? Please."she looked up at me and I saw fear in her eyes. Kahit medyo madilim ay malinaw kong nakikita ang mga mata niyang parang kumikislap masinagan lang ng kahit na konting liwanag.
"No."I tried myself to make my voice cold.
"But..."napayuko siya. At sa mga oras na 'to, gustong-gusto ko na siyang yakapin.
"Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog. Gabi na."sabi ko pa. And d*mn! She was crying again.
"Angelo... please..."ugh! Bakit parang nagiging iyakin si Sam nitong mga nakaraang araw? Napabuntong-hininga na lang ako.
"Pasok."utos ko na sinunod niya naman kaagad."Matulog ka na diyan sa kama. Dito na lang ako sa couch."napatingin siya sakin.
"Pero kasya naman tayo dito sa queen-sized bed e."mahinang sabi niya.
"I'm okay here."nahiga na ko sa couch.
Namayani ang katahimikan sa buong kwarto."Angelo....are you mad at me?"tanong niya. No, Sam. Gusto kong sabihin sa kanya pero mas pinili ko ang hindi umimik."Fine. Ayokong matulog ka diyan sa couch. Kung ayaw mo kong katabi, okay lang. Lilipat na lang ako dun sa master's bedroom."sabi niya at tumayo na saka lumakad papuntang pinto.
BINABASA MO ANG
ATM 1:A Total Mess (FBS#1)
RomanceFixed marriage? Uso pa ba 'yon? Samantha is the only child of the Martinez Fortune. That's why she was tasked to marry a man who can fully handle a big responsibility. And that man is no other than Angelo Salazar, the heir of the Salazar incorporati...
