The BREAKING News
Samantha's POV
Nandito ko sa may duyan sa Garden ng bahay ni Cliff habang siya naman ay nakaupo sa pool. Ang ganda ng bahay niya. Pwede kayang...
"Cliff!"tawag ko sa kanya at lumingon naman siya. Nakatalikod kasi siya sakin e.
"What?"he asked.
"Pwede bang..."
"Pwede bang what?"
"Dito na lang ako tumira. Ampunin mo na lang ako."he looked at me in disbelief. Sasagot na sana siya ng 'yes' kung wala lang epal. At kung tatanungin niyo ko kung paano ko nalaman na 'yes' ang sasabihin niya ay wag niyo ng ituloy kasi di ko rin alam ang sagot.
"Cliff,I need to tell you something."bungad ni Andrei at nasa tabi niya si Neil so I rolled my eyes at him.
"Mabulag ka sana."sabi nung demonyo.
"haha."I laugh sarcastically.
"Shoot."sabi naman ni Cliff kay Andrei at hindi na kami pinansin ni Neil so I continue giving him a death glare.
"Balitang-balita--"I cut Andrei off.
"Sa radyong sira. hehe." Then they all glared at me."peace."Katakot naman 'tong mga to! Jusmiyo!
"Ayun nga. Balitang-balita ngayon na nawawala si Samantha at--"
"WHAT??!"oha! Nagkasabay pa kami ni Cliff.
"And guess what! It is all her fault! Pano na lang kapag nadamay pa kami diyan?!"sigaw naman ni Neil.
Oo na! Kainis naman 'to! Kailangan pang ipamukha sakin!
Napayuko na lang tuloy ako. Guilty e... Pano nga kapag nadamay pa sila dahil sakin? Ang stupid ko talaga.
"Shut up Neil!"saway ni Cliff.
"Ano na naman?! Mali na--"
"He's right. Sorry sa abala. I guess I need to go home."nakayukong sabi ko and tumayo na ko."Oh. Thank you ulit. Really."I thanked them tapos naglakad na ko.
"Sam!"pero hindi ko na pinansin si Cliff kasi sobrang nahihiya na ko e. Gusto ko na ngang umiyak e!
"Samantha,stop walking or I'll drag you back here!"and that made me stop.
Hindi ako lumingon kasi naiiyak na talaga ko.
"Sam...its okay.Wag mo na lang pansinin yung mongoloid na yun. Ihahatid na kita."lumapit siya and I felt his hand on my shoulder.
"No.I'm okay.Sobra ko na kayong naiistorbo."I declined.
"Tss.And what do you think you'll do? Walk?"oh! Hindi ko yon naisip ah! But why not? E wala naman akong dalang pera or a car.
"That's a good idea."I said and he chuckled.
Tsk. Maglalakad na nga ako tinatawanan pa ko??? Bad Cliff!
"Bilisan mo na at wag ka ng magpapilit."sige na nga! Wag na daw magpapilit e!
"Okay. Pero pwede munang makiligo and peram na din ng damit?"pakapalan na lang to!
"Okay."then ayun na. Inakay niya na ko papasok sa bahay pero ng madaanan namin si Neil sa may pintuan e may sinabi pa siya.
"Magtutuos tayo mamaya."he said it without luooking at Neil.
Nang makapasok na kami sa bahay ay tinanong ko siya. Ka-curious e!
"Cliff,ano yung tutuusin niyo ni Neil mamaya?"
"haha. Maligo ka na nga lang."
Pinapasok niya ko sa isang room na I think e kwarto niya then dun niya ko pinaligo sa banyo don. Binigyan niya din ako ng robe na puti.
Pagkatapos ko naman maligo ay may nakita ako sa kama na mga damit. Tinignan ko naman yun. Wow! Ang sexy naman nung lingeries. Tapos tiningnan ko din yung short. Medyo maikli pero keri naman. Tapos yung oversized blue shirt.
Tapos sinuot ko na.
Paglabas ko ay nandun sila sa living room at nag-uusap. Parang serious ah!
"h-hello."awkward kong bati sa kanila.
Halleeerr!!! Ayoko ko ng mag-eavesdrop no! Baka mag-away na naman kami nung Neil na yun.
"Oh. Tapos ka na pa--a-ang ganda mo."nahiya naman ako sa napakalaking damit na pinasuot niya sakin.
"Don't joke around,Cliff! I know mukha kong tanga sa suot kong napakalaking shirt no!"I said truthfully.
Halos di na kaya makita yung short ko dahil dito sa napakalaking damit na to! Pero okay lang,at least may damit! hehe.
"I'm not joking."he said seriously. oh...
"he-he.Thank you?"alangan kong pagpapasalamat sa kanya."But who's using the lingerie and this short. Don't tell me..."
"That's not mine.Sa babae ko yan. Naiwan niya so pina-laundry ko na lang."spell NGANGA. S-A-M-A-N-T-H-A. Haha.
"Don't give me that reaction coz I might grab that opportunity."he seriously said. Eh?
"Alis na ba tayo?"I asked.
"Yeah. But before that,Neil wants to tell you something.right,Neil?"then he looked at Neil."Talk."he ordered him. Ano kaya yon?
"Sorry."mahina niyang sabi na ikinagulat ko.
"I can't hear you,Neil."he provoked.
"Sorry!"sigaw ni Neil.
"Para san?"takang tanong ko.
"Ay tanga."sabi ni Neil that made me roll my eyes.
"E sa hindi ko naman talaga alam kung bakit ka nagso-sorry e!"kainis to!
"Yung sa kanina! Yung sinabi ko sayo!"ganting sigaw niya din.
"O! Wag mainit ulo,Neil. Baka ako ang mag-init ang ulo. Ikaw din..."sabi naman ni Cliff at tumawa si Andrei.
Then bigla kaming natigil ng marinig ang balita sa nakabukas na tv. Alangan nakapatay! Pano namin maririnig,diba? Medyo bobo,Sam.
"BREAKING NEWS:Hanggang ngayon ay pinag-hahanap pa din ng pulisya ang asawa ng CEO ng S&M corporation. Pinilit na hingan ng pahayag si Mr.Angelo Salazar ngunit hindi niya kami pinaunlakan. Inatake sa puso ang dating CEO ng Martinez corp. na ama ni Samantha Louise Martinez-Salazar,na kasalukuyang nawawala."sabi ng reporter sa tv at tumulo na lang bigla ang luha ko sa mga narinig ko.
What a BREAKING news to be exact!!!
BINABASA MO ANG
ATM 1:A Total Mess (FBS#1)
RomanceFixed marriage? Uso pa ba 'yon? Samantha is the only child of the Martinez Fortune. That's why she was tasked to marry a man who can fully handle a big responsibility. And that man is no other than Angelo Salazar, the heir of the Salazar incorporati...
