Dark Conspiracy
Angelo's POV
"Sam..."banggit ko sa pangalan niya pero ni hindi man lang niya ko tinapunan ng kahit na isang saglit na tingin at hindi man lang nagbago ang expression sa mukha niya. Blank...
I don't know kung naririnig niya ko. Pero isa lang ang alam ko, nasasaktan siya... sobra.
Narinig ko ang ilang singhap sa likuran ko. Pero hindi ko pinansin. I just can't get my eyes off of her.
"What happen?!"gulat na gulat na tanong ni Mat.
"Sinong demonyo ang kayang gumawa ng ganyan?!"tanong naman ni Dom.
Bigla kong naramdaman ang paghawak ng isang kamay sa balikat ko.
"Sobra-sobra na 'to para dalhin pa niya."mahinang sabi ni Aiden.
"I know."halos pabulong na sabi ko saka naglakad papunta kay Sam. Hindi pa din siya gumagalaw.
"Everything will be okay."ayun ang unang salitang lumabas sa bibig ko. Nakuha ko naman ang atensyon niya. Pero wala akong makapa na kahit na anong emosyon sa mga mata niya kundi galit, galit, at puro galit.
"J-just be strong."sabi ko sa kanya at saka niyakap siya. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito.
Dom's POV
T*ngina! Sino ang walang pusong gagawa nito?! Sh*t! Just sh*t!
Gustong gusto kong pumatay ng tao kapag nakikita ko ang pinaka-inosenteng babaeng nakilala ko na nagkakaganito.
Bakit kailangan niyang maranasan 'to? F*ck!
"Everything will be okay."narinig kong sabi ni Angelo kay Sam at tumingin naman siya. But... a blank one.
"J-just be strong."dagdag pa ni Angelo at saka ito niyakap. Pero hindi man lang ito gumalaw para yumakap pabalik.
Sa totoo lang, hindi ito ang inaasahan kong maging reaksyon niya. I thought she'll shed tears. But I'm definitely wrong. Habang yakap yakap ni Angelo si Samantha ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko. Minsan lang ako magseryoso pero pagdating sa mga ganitong bagay... sobrang nahihirapan ako.
Hindi ko man sabihin, napamahal na sakin si Sam at alam kong ganun din sila. Na hindi na din napigilan ang sarili at naiyak. Si Mat naman ay agad na lumabas.
"Sh*t."narinig kong bulong ni Mat sabay
talikod at naglakad palayo habang pinupunasan ng kanyang mga braso ang luha.
Napatingin naman ako kay Angelo. Hindi man siya umiiyak ngayon, alam na alam kong ayun ang gusto niyang gawin. Pero isa sa mga talent niya ay ang magtago ng emosyon. Na-master niya na yun. At kailangan niya ding maging malakas para kay Sam. Kailangan niyang maging matapang para maging iyakan at sandalan ni Sam...
Angelo's POV
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang trahedya sa buhay ni Sam. At ako ang nag-ayos ng lahat. Ito ang unang araw na naka-burol ang mga magulang ni Sam. Patuloy ang pagpapa-imbestiga ko sa kaso at may naiwang CCTV sa loob ng meeting place noon. O mas magandang sabihin na sinadyang iwan iyon. Walang
makukuhang ebidensya dahil malinis ang pagkakagawa sa krimen. May takip ang mukha ng mga kriminal. At ang buong eksena ay nakuhaan at napanood namin.
flashback...
Pumunta kami sa presinto para tignan ang footage na nakuha ng mga pulis doon. Kasama kong pumunta dito yung dalawa, si Dom at Mat. Si Aiden? Naiwan sa bahay para bantayan si Sam. Hindi pa din siya okay hanggang ngayon. Nagsasalita na pero sobrang tipid at limitado lamang ang mga sinasabi niya. Parang pinipili niya lang kung ano ang mga salitang bibitawan niya at kung ano lang ang sagot na sasagutin niya.
BINABASA MO ANG
ATM 1:A Total Mess (FBS#1)
RomanceFixed marriage? Uso pa ba 'yon? Samantha is the only child of the Martinez Fortune. That's why she was tasked to marry a man who can fully handle a big responsibility. And that man is no other than Angelo Salazar, the heir of the Salazar incorporati...
