Drunk
Samantha's POV
Nagising ako na pawis na pawis.
Another nightmare.
And I don't know na nakatulog pala ko sa inis at bwiset sa mga nangyayari.
And take note,I also dreamt with that! Ugh! I thought okay na kasi nakatulog na ako sa wakas! But,sa ilang araw na natigil ang panaginip ko kay kuya ay bumalik na naman!
And I don't know why I'm crying and sobbing right now! Sheeet! Maybe because of the other nightmare.
Another slapping of truth and reality to me.
And guess what??? I just dreamt about Alicia taking Angelo away from me. But...Naiinis ako kasi umiiyak ako! Anong nakakaiyak e hindi naman talaga sakin si Angelo! Yes he's mine! But damn! It's just in terms of papers!
I can't help but sobbed harder. Buset naman O! Bakit na naman ba ko nanaginip e samantalang nitong mga nakaraang araw e okay naman?!
And worse,I'm crying! Level up e!
Mukhang hindi na ko dadalawin ng antok and when I looked at the clock,it's just 2 am.
I decided na bumaba na lang muna at uminom ng gatas. Malay mo antukin ulit ako.
Nagbukas ako ng ilaw sa kusina and roamed inside the refrigerator.
Kukunin ko na sana yung gatas ng...
Oh! I change my mind. I guess this is much more effective...
Kumuha ko ng isang bote ng alak na nandon.
I know it's a liquor but I don't know what kind is this one.
Hellloooo!!! Hindi naman po ako umiinom. I'll just try it,anyway.
Kumuha din ako ng chips at pumunta na sa sala.
Nag-salang ako sa dvd player ng kahit na anong movie. Pinatay ko lahat ng ilaw and nagsimula ng manood.
Tumungga na ko sa bote at hindi na naglagay pa sa baso. hehe. Nakalimutan ko kasing kumuha ng baso and tinatamad na kong bumalik pa sa kusina.
Sheeeetttt ang pakla!
"Hindi naman kasi para sa mga inosenteng katulad mo ang mga matatapang na alak katulad niyan."biglang may nagsalita at napatingin na lang ako sa taong umupo sa tabi ko. I just rolled my eyes at him."Ano namang pumasok sa utak mo at umiinom ka niyan?"tanong niya at pinitik ang noo ko sabay agaw ng bote sakin.
"Angeloooo! Akin na yan! Akin yan e!"angal ko.
"Hindi sayo 'to! Binili ko to para sakin at hindi para sayo. Kumuha ka na lang ng canned beer sa ref,madami don."sabi niya sabay tungga sa bote.
"Yuuuukkk! May laway ko na yan! Ang epal mo! Kanina lang sungit-sungitan ka diyan tapos ngayon nangingialam ka naman?!"sabi ko sabay agaw ng bote at tinungga yon.
Sheeettt bakit ang sarap kahit ang pakla???
"Aba---"I cut him off.
"Oops! Wag kang gagalaw ng masama! Baka samain ka sakin! Ako ang kumuha nito kaya wag kang makiagaw!"sigaw ko at inilayo pa ang bote sa kanya.
Mang-aagaw e!
"Tss.Ako naman bumili niyan e. Damot!"sabi niya saka tumayo sa couch at pumunta sa kusina.
Pagbalik niya e may dala na siyang dalawang canned beer.
Ano kayang lasa non??? hmmm...
Matikman nga!!! hihi.
"Aray!Bakit ka ba namamalo diyan?! Sipain kita e!"sabi ko ng paluin niya ang kamay kong kukunin sana yung isang beer sa mesa.
"Akin yan! Ang sugapa mo rin sa alak e no! Nasa iyo na nga yan kukunin mo pa pati 'to?!"
"Hindi ko kukunin,titkman ko lang naman!"
"Lasinggera!"sabi niya but I don't care!
Kinuha ko yung isang canned beer at tinikman yun.
Mas mapakla yung nasa bote pero mapakla pa din.
Habang umiinom ako,I felt his gaze on me.
"Don't look at me like that. Baka matunaw ako at hindi ko na mainom 'tong mga 'to! Sayang naman!"
"Mas magandang matunaw ka na para ako na lang iinom ng lahat ng yan."
"As if mangyayari yun!"
"I will make it."
Ay crazy?! Baka naman matunaw ako diba?!
Tapos ayun na,tinitigan niya lang ako at ako naman e walang pakialam sa kanya. Busy ako e! hehe.
Later...
Angelo'sPOV
"Hoy! Tama na yan! Lasing ka na o!"saway ko sa kanya at kinuha yung canned beer na hawak niya.
Aba! Inubos niya na nga yung nasa bote tapos siya na din ang umuubos ng beer ko.
I knew it! Alam kong malalasing siya kaya nga isang beer lang ang naubos ko e. At hindi ako madaling malasing ng ganun ganun lang!
"Akin na*hik* nga yan! Hindi pa naman ako lashing *hik* !!!"hindi daw! E namumula na nga siya saka sinisinok e! Yan ba ang hindi lasing?!
"Matulog ka na."sabi ko at hindi ko inaasahan ang sinagot niya.
"Bakit? *hik* tatabihan mo ba ko? *hik*"tanong niya kaya ko napatingin sa kanya.
"Gusto mo kong katabi?"tanong ko. Alam kong lasing siya pero sabi nga nila 'Drunks have a guts to speak their emotions that they can't speak louder when they are on their right mind.'
"E kashi naman *hik*, nashanay na ko na katabi ka and... nanaginip na naman ako *hik* kanina."sabi niya.
hmmm...kaya pala!
"Fine.Tara na."sabi ko and I pick her up bridal style.
"Hindi mo ba tatanungin kung *hik* ano yung napanaginipan ko?"tanong pa niya.
"Of course.Isa lang naman ang lagi mong napapanaginipan e."sabi ko. Alam ko namang ang kuya niya na naman e.
"Hihi. Sho,alam mo pa lang napanaginipan kitang inaagaw ni Alisha? *hik*"napatingin naman ako sa kanya.
So ayun yung napanaginipan niya kanina???
Haayyysss... ang sakit sa ulo nitong babaeng to!
Binaba ko na siya sa kama at kinumutan.
"Sleep."sabi ko.
"Will you phleashe shtop avoiding me?"sabi pa niya."Nahihirapan kashi ako e."then she closed her eyes and may tumulong luha.
Tulog na...
I just wiped her tears.
Hindi na ko umalis dahil kahit tulog na siya ay hindi niya binitawan ang braso ko.
Tinabihan ko na siya at nag-decide na dito na muna matulog.
Hinawi ko ang mga humarang na buhok sa mukha niya at tinitigan ang maamo niyang mukha.
Isthatwhayyoufeel,Sam???
I'msorrykungnahihirapankana. Kailanganmokongintindihindahilginagawako 'toparakayAlicia...
BINABASA MO ANG
ATM 1:A Total Mess (FBS#1)
RomanceFixed marriage? Uso pa ba 'yon? Samantha is the only child of the Martinez Fortune. That's why she was tasked to marry a man who can fully handle a big responsibility. And that man is no other than Angelo Salazar, the heir of the Salazar incorporati...
