Party
Samantha's POV
Masaya ang gising ko ngayon. Ewan ko kung bakit. Or maybe alam ko talaga. hehe. Ang gulo ko no.
Kasi naman,napanaginipan ko na may isang lalaki daw na bumati sakin. And guess what,siya ang una. Hinalikan pa daw ako nung lalaki. Pero sa noo lang naman.
Tapos paggising ko naman ay agad kong nabasa ang text ni Jake,12:02am,at ni Dad,6:23am. Ang sweet nila.
Pero paggising ko wala na si Angelo. Pumasok na yata. Kainis yun! Di pa din kami bati dahil sa pag-away niya sakin kagabi! Tapos di pa ko binabati! Ugh! Bahala siya! Basta ko ie-enjoy ko na lang ang birthday ko with my friends. Nagluto na ko ng kakainin ko at naligo na.
Pagkatapos kong magbihis ay umalis na ko. At kung saan ako pupunta,ay kung saan ko lang maisipan. hehe.
First,bibigyan ko muna ng time ang sarili ko. Mamayang 8 pm pa kasi ang usapan naming magba-barkada e.
Pumunta na lang ako ng mall at nag-ikot. Bibili muna ko ng damit ko mamaya. Nakakita ako ng isang magandang yellow dress at ng isukat ko yon ay napaka-ganda. It's above my knee and strapless. Binili ko iyon kasama ang isang black belt at heels na black. Perfect!
Ngayon naman ay kailangan ko ng beach outfit!!! Sabi kasi nila e beach party daw ang hinanda nila para sakin. Gosh! I'm so excited!
Kaya ayun! Pumili naman ako ng red na two-piece swimsuit na may manipis na black cover up. Actually kapag sinuot ko yon ay makikita pa din ang katawn ko kaya parang wala din. haha.
At dahil tapos na kong mamili ng outfit ko today,ay namili na ko ng regalo ko sa sarili ko. Yes,kailangan yun. hehe.
At ang napili ko ay...
Chenchereren!!!
Si Belle ng The Beauty and the Beast! Isang life size na barbie doll. Kyaaaahhh!!! Ang ganda! Favorite ko po kasi talaga si Belle. hehe.
After non ay nanood muna ko ng sine at kumain sa shakeys. Kagutom po kaya!
And the last thing... SALON!
Of course! I need a makeover tonight.
Habang ginagawa ng staff ng Salon ang aking nails ay napatingin ako sa orasan.
It's already 6 in the evening.
Oh gosh! Ang tagal ko pala sa mall kanina. Pero okay lang yan.
After gawin nung mga staff ang lahat-lahat ay nakibihis na din ako.
And tuntununun! Voila!
Black nail polis, hair in a bun with a curly strands on the side and light make-up. And I'm ready!
Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa venue. And nasabi ko bang in-invite ko sila Cliff at ang mga kaibigan ni Angelo,and of course pari si Angelo. Sinabi nilang lahat na pupunta sila pwera lang sa mga kaibigan ni Angelo at siya. Sabi nila may gig daw sila. Nagulat ako na hanggang ngayon pala ay tumutugtog pa sila. Alam ko na may banda sila dahil nung college, sila ang banda ng university na pinapasukan namin. Si Aiden ang drummer,si Dom sa bass guitar,si Mat naman ay ang second voice and bass guitar din katulad ni Dom at si Angelo ang lead guitarist and the vocalist is...
...
...
Alicia.
Actually,ang inabutan ko na lang na vocalist ay si Angelo. Sinabi lang sakin yun ni Cliff. Ang dami niya ngang alam tungkol sa mga yun e. At ang galing nga po pa lang kumanta ni Angelo. Ilang beses ko ng narinig pero bigla na lang silang tumigil sa pagtugtog nung 1st year ako kaya napalitan sila.
BINABASA MO ANG
ATM 1:A Total Mess (FBS#1)
RomanceFixed marriage? Uso pa ba 'yon? Samantha is the only child of the Martinez Fortune. That's why she was tasked to marry a man who can fully handle a big responsibility. And that man is no other than Angelo Salazar, the heir of the Salazar incorporati...