Chapter 11

3.4K 48 0
                                    

Her Tears (@party part 2)

Angelo's POV

I just stared at her face habang nagsasayaw kami. And it seems she didn't notice it at parang nakahiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. Yes! Nakatingin nga siya saken but I know malalim ang iniisip niya.

Sa tingin ko nga hindi niya alam na nakatingin ako sa kanya.

I'm wearing my formal suit because all boys are required to wear one and magbaon nalang ng swim wear. And sa mga babae naman ay required na mag sundress or bikini.

And I must say na she looks hot and sexy wearing that white sundress of hers. At mukang di niya rin napapansin that the moment she stepped her feet in here, she drew all their attention. Including me.

Manhid ba siya? O sadyang di niya lang talaga alam?

When the song end ay biglang may kumawalang luha sa mga mata niya that made me shocked.

What was she thinking?

"Why are you crying?"and that made her concious.

"Huh?"she asked with those innocent eyes.

"I said, why are you crying?"ulit ko sa tanong ko.

Takang hinawakan niya ang pisngi niya.

Hindi niya siguro napansing may tumulong luha sa mga mata niya and I was wondering what was she thinking right at that moment.

Curiosity is killing me.

"Anong iniisip mo, Samantha?"I asked once more pero yumuko lang siya.

"Excuse me."sabi niya at naglakad na palayo.

Nakatingin lang ako sa imahe niya na unti unti ng nawawala sa paningin ko.

At kung saan man siya mapadaan ay nakukuha niya ang atensiyon ng mga tao.

She looks so stunning...

Later on, the loud music started blaring. Medyo marami na ring nagtatampisaw sa dagat sa ilalim ng buwan at sa tingin ko ay masarap nga sa pakiramdam.

Pumasok ako sa loob ng suit at nagpalit ng swim wear. Simple nalang ang sinuot ko dahil ayokong makakuha ng maraming atensiyon. Nagsuot nalang ako ng black swimming shorts and that's all.

Pagkalabas ko, agad na napatingin sa akin ang ilan na nakapansin sa presensya ko, lalo na ang mga kababaihan.

Tsk.

Umikot ang mata ko sa buong paligid trying to search for something- someone rather.

Pero hindi ko makita kasi sobrang daming tao. At saan naman kaya nagsususuot ang babaeng 'yon?

Patuloy lang ako sa paglalakad at pagmamasid-masid sa paligid but I really can't find her.

Sa paglalakad-lakad ko ay narating ko ang isang lugar na medyo malayo sa mga nagsasayawang tao at nagtatampisaw sa dagat.

Malamig na at napakatahimik dito.

Where the hel--

Then someone caught my attention.

Babaeng nakaupo sa isang malapad na bato at nakaharap sa dagat ang posisyon niya, so definitely nakatalikod siya sa akin.

Pero alam kong siya 'yon...

Honestly saying, mukha siyang white lady na nakayuko doon at yakap yakap ang mga tuhod niya.

Lumapit pa ko ng konti at... I heard sobs.

ATM 1:A Total Mess (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon