Chapter 34

2.1K 40 0
                                    

Lunch

Angelo's POV

Wooo! Tambak ang trabaho ngayon dito sa office.

Bigla kong naalala na ngayon nga pala ang uwi ni Ali ay tinext ko kaagad siya. Ngayon kasi ang tapos niya sa two-day trip para sa business. Siya kasi ang pinapunta ng daddy niya sa new york dahil busy pa ang kuya niya sa company nila.

To:Ali
Have safe trip.

Maya-maya ay nagreply siya.

From:Ali

Okay. Where are you?

Natawa naman ako sa tanong niya. Napaka-possesive talaga! Walang pinagbago.

To: Ali

Just drinking at bar with some girl sitting on my lap.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi na nag-reply. haha. Rereplyan ko na sana siya pero...

*knock* *knock*

Ibinaba ko ang cellphone ko."Come in."sabi ko at pumasok si John.

"Sir,nandito po si Ma'am Sa--"

"Hi Angelo."nakangiting bati niya. I narrowed my eyes at her because of what she did.

Napatingin naman siya sa ginawa niya. Ngumiti siya sakin ng malapad at saka nag-piece sign. Pano ba naman, bigla biglang papasok na akala mo ay hinahabol. Hindi niya yata napansin si John na nasa may pintuan kaya nabangga niya and unfortunately, natumba si John.

"Sorry. hehe."sabi niya at saktong nakatayo naman na si John sa pagkaka-upo sa sahig.

"Okay lang po."tapos sinenyasan ko na si John na lumabas.

"What?"she asked innocently while looking at me. But I just continue on glaring at her."Hindi ko naman sinasadya e. Nag-sorry naman ako a!"she said defensively while pouting. Parang bata.

"Tss."yan lang ang isinagot ko sa kanya at ibinalik ko na ang atensyon ko sa mga papeles na hawak ko.

Hindi ko siya pinapansin. Kalabit ng kalabit, nakakabwisit!

"Nakakainis ka! Pagkatapos kong ipagluto ka ng lunch at pumunta dito hindi mo lang ako papansinin?!"inis na sigaw niya. Napaka talaga ng babaeng 'to! I massage my temple. Nakaka-stress-- teka! Anong sabi niya???

"You cooked a lunch for me?"I asked.

"Hmp. Paulit-ulit! Sige na. Pupuntahan ko na lang si Cliff or si Jakey,mukha namang ayaw mo e."malungkot na sabi niya at tumalikod na.

Agad naman akong tumayo at hinila siya papasok ng office at saka sinarado ang pinto.

"Ano ba?! Bakit ka ba nanghihila diyan?!"inis na tanong niya pagkaharap sakin.

"Ano ba yang niluto mo?"tanong ko sabay kuha ng paper bag sa kamay niya at inilabas ang lunchbox na nasa loob.

"Pagkain."sabi niya while rolling her eyes. Hindi ko na lang pinansin ang pagtataray niya.

"Let's eat?"I asked her.

"Pang-isang tao lang yang niluto ko."she said.

"Ah ga-- whats this?!"napasigaw ako ng makita ko ang laman ng lunchbox.

"Nakakabingi ka."she said while covering her ears.

I sighed. A deep one.

"Tawagan mo si John at sabihin mo sa kanya kung ano yung gusto mong kainin."kalmadong sabi ko.

"Okay."she said.

Maya-maya ay dumating na ang in-order niya and as usual...

"Yey! Mcdo!"isip-bata talaga.

"Sir,pwede po bang magtanong?"sabi ni John.

"Haha. Ang crazy mo,John. You just did. Hindi mo ba nahalata?"she said while chuckling. Alanganing ngumiti si John. Tumango naman ako sa kanya.

"Sir, ano po yon?"sabay turo ni John sa kulay itim na laman nung lunchbox na bukas.

Napansin ko naman na nakatingin si Samantha sa direksyon ko. I just smiled at her and she smiled back.

"Uh... Longanisa?"alanganing sagot ko habang hindi inaalis ang tingin kay Sam. But she frowned.

"Tss. Hotdog kaya yan."nakasimangot niyang sabi sabay bawi ng tingin.

"Ah... hehe. Oo nga pala. Hotdog nga pala yan."sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

"Bakit itim po?"nagtatakang tanong ni John.

Sasagutin ko na sana siya ng magsalita si Sam.

"Duh, John. Like seriously, hindi mo ba alam ang word na toasted???"sabi ni Sam na parang that was the most obvious thing in the world.

=_=

Tss. Stupid. Feeling close pa sa secretary ko. Kala mo napakatagal na nilang magkakilala kung kausapin niya. Siguro kailangan kong mag-hire ng private tutor para paturuan siya ng formality measures. haha.

"A-he-he. Oo nga po, Ma'am. K-kayo po ang nagluto nung h-hotdog?"alanganing tanong ni John sa kanya.

One more thing, napaka-manhid ni Sam. Ni hindi niya nga napapansing naiilang si John sa kanya. Maybe because of her childish act. But that character of her... can make a guy fall for her. And kung hindi ko to pipigilan, I might as well fall... to her innocence. Everything about her can change your mood. You might be irritated to her stupidity. But later on, you will find yourself seeing her innocence behind her childish act.

"Yup. Gusto mo bang tumikim,John? Okay lang naman sakin."sabi niya while nodding seriously.

Haha. Ang lakas ng loob niyang mag-alok. Kala mo naman napakasarap ng hinanda niya. E prito na nga lang nagmukha pang uling.

"Ah eh. No thanks, Ma'am Samantha. Tapos na po akong kumain."tanggi ni John.

Napangisi ako ng makita ko ang kinakabahang itsura ni John ng alukin siya ni Sam. Grabe talaga. haha. Pero...

"Okay. Malakas namang kumain si Angelo so alam kong uubusin niya yan. Right, Angelo?"nawala ang ngisi sa mukha ko."Oh, are you okay Angelo? Bakit parang namumutla ka?"nag-aalalang tanong niya.

"Ah. Oo naman. Sige, iwan muna kita diyan. May meeting pa kasi ako e. Right, John?"I give John a narrowing eyes and he quickly got the message.

"Ah. O-opo."nauutal na sagot ni John. Nasa may table ko naman si Sam at nangingialam ng kung ano-ano don. But I don't care. I need to escape here.

Napanatag naman ako ng makita ko siyang tumango-tango."Okay. So hindi ka pa makakapag-lunch?"I just nodded."And iiwan mo din akong mag-isa dito?"tanong niya ulit.

"Kaya mo naman diba?"balik-tanong ko and it's her turn to nod."Okay, then. Labas na muna ko. I'll be back later."then I winked at her. She just gave me a light smile and with that, lumabas na ko ng office ko. Mamaya ko na lang siguro tatapusin yung mga gagawin ko.

"Sir, saan po kayo ngayon pupunta?"tanong ni John.

"Give me the keys to my car. I'll just fetch someone."I said.

Ako na lang ulit susundo kay Ali.

I looked at my watched while driving. It's already past 1 in the afternoon. And in my calculations, Ali will get to the airport ng mga 1. Alam ko aabutan ko pa yon kasi maghihintay pa yon sa driver niya. Nakasanayan niya na kasing hindi sabihin sa susundo sa kanya kung anong oras siya susunduin. Ite-text niya lang ito kapag nandun na siya. Kaya lagi tuloy siyang nag-hihintay.

Nakarating ako sa airport ng 1:15. I looked for her but she was nowhere to be found. I tried to reached for her phone pero nakapatay na. Hay. Mukhang nagkasalisi kami a.

I've just decided to drive back to my office. And nagulat ako sa nakita ko.

I quickly pulled Alicia from her.

"Are you okay?"tanong ko kay Ali. Pero bigla na lang 'tong umiyak.

ATM 1:A Total Mess (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon