Chapter 22

3.2K 63 1
                                    

Punishment

Samantha'sPOV

Nagising na lang ako sa isang madilim na kalye. Teka,anong ginagawa ko dito??? The street looks familiar...

Taposnakita ang isang babaeng nagte-text sa gitna ng daan. Maykatabi itong lalaki... Bigla nalang may truck na mabilis na tumatakbo. Napakabilis... At bigla na lang tinulak ng lalaki ang babae kaya nasagasaan siya.

Tumulo ang mga luha ko habang nakikita kong umiiyak din ang babae habang hawak-hawak ang malamig at duguang katawan ng lalaki. Kuya...

"Sam..."bigla na lang may tumatawag sa pangalan ko at napaka-familiar ng boses ng taong iyon. Hinanap ko sa paligid pero wala akong ibang nakita kundi mga bulaklak na dilaw. Iba't ibang klase ng mga bulaklak. Namangha ako dahil paborito ko ang mga bulaklak na kulay dilaw.

Pero nagulat ako ng unti-unti iyong nagiging itim... kasabay ng lalong pagdilim ng paligid at bigla na lang akong napunta sa isang lugar.

Sa condo unit ni Angelo when we were in college... and... nakita ko na naman ang babae . Pinagmamasdan ang isang lalaki habang... habang... ---

"Sam!"narinig ko na naman yung pamilyar na boses. Muli ko na naman 'yong hinanap pero wala talaga.

At pagtingin ko sa harapan ko ay nakita kong tumatakbo na ang babae habang umiiyak. At sa mga oras na 'to ay napagtanto kong ang babaeng nakita ko kanina ay... ako...

"SAM!!!"bigla ko nalang naramdaman na may yumuyugyog sa'kin.

Idinilat ko ang mga mata ko. Panaginip lang pala pero alam kong totoo 'yon.

"Are you okay?"tanong ng lalaking nasa harapan ko... Angelo... "Bakit ka nakatitig ng ganyan?"tanong niya pa at doon ko lang na-realize na nakatitig na pala ko sa kanya... sa lalaking nasa panaginip ko... ang lalaking nanakit sa'kin.

"Why?..."ayon ang unang lumabas sa bibig ko. Nakita ko naman ang pagtatakang gumuhit sa mukha niya kaya umiling na lang ako.

"Ano 'yon Sam?"takang tanong niya.

ATM 1:A Total Mess (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon