Chapter 38

2.4K 47 0
                                    

Hide and Seek

Angelo's POV

On the way sa Laguna ay biglang nag-ring ang phone ko. Hindi ko na tiningnan ang caller ID dahil alam kong si John 'yon.

"What's the update, John?"tanong ko sa kanya.

("Tss. Bakit parang naiinis ako na hindi ako yung pinagkaka-busy-han ng boyfriend ko?")malambing na sabi niya.

"Oh. Sorry,baby. It's just that I'm too busy right now."I explained. Na-miss ko rin bigla ang babaeng 'to. Hay...

("I miss you...")parang nahihiya pa siya ng sinabi niya 'yon. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"And I love you..."sabi ko naman sa kanya. And right after I said that ay biglang nag-appear ang mukha ni Sam sa isip ko.

Teka, what is happening to me??? Tss. Ang sakit sa ulo kasi nung babaeng 'yon e!

("Hey... bakit hindi ka na nagsasalita, Angelo? Are you still there?")narinig kong tanong ni Ali sa kabilang line. I just sighed. Bakit si Sam ang iniisip ko? Samantalang si Ali ang kausap ko.

"Sorry, baby."sabi ko.

I am really sorry, Ali...

("It's okay. I guess I'll hang-up na. Baka pagod ka na din. Sige baby, bye. I love you.")

"I-i love you,too."I'm really sorry kung nagdududa ako sa nararamdaman ko sayo ngayon, Ali.

Ilang beses akong nagbuntong-hininga dahil sa iba iba at halo halong mga pinag-iisip ko. Sa sobrang dami ng tumatakbo, hindi ko alam kung sino ang una kong hahabulin at susundan. Pero base sa ginagawa ko ngayon... si Samantha ang hinahabol at sinusundan ko.

Ugh! Maybe I should stop thinking! Bwisit kasi e!

Tapos ayun nga. Ilang oras ang nagdaan at narating ko na ang dapat kong puntahan. Nag-check-in naman si Aiden ng isang hotel room. At dahil kilala ako ng mga empleyado ay ibinigay nila ang duplicate key ng suit na tinutuluyan ni Sam. At ayon sa isa sa mga empleyadong pinagtanungan ko ay wala pa si Sam. Kaya napagpasyahan ko munang maligo at maghintay dito sa loob.

Sinabihan ko rin ang mga empleyado na huwag sabihin kay Samantha na nandito ako.

Sa tingin ko kasi ay nakikipag-laro siya sakin... hide and seek.

Samantha's POV

Kakagaling ko lang sa boring na abogado na 'yun at pinapark ko na nga ang kotse ko ng may mahagip ang mata ko.

Hindi ako pwedeng magkamali... That's his car! Dammit! Hanggang dito ay nahanap niya ko?! What the hell?!

Kaya naman bago pa ko mapansin ng kung sino mang Poncio Pilato diyan ay nag-drive na ko paalis.

Ugh! Nakakainis! Saan na ko tutuloy niyan ngayon?! Buset talaga oh!

Bigla namang nag-vibrate ang phone ko kaya binasa ko kung sino man 'tong nag-text na 'to! Isa pa, nilagyan ko to ng anti-track device app para naman ay hindi ako ma-track ng soon-to-be ex-husband ko. Ang sarap palang pakinggan ng EX. haha.

From: D.Lee

Hey,pretty. Want to come at my place? haha.

Then an idea came up on my mind when I red that message.

May maitutulong din pala ang kalandian mo, Gabriel Allen Lee. haha.

I put a white scarf on my neck up to my head. His condo unit is lying in Angelo's building. Kaya mahirap na. Baka may makakita sa akin kaya nagdisguise na ko. Nagpasalon na din ako kanina at medyo pinakulot ko ang dulo ng mahaba kong buhok. Bumili din ako sa isang boutique ng bago kong isusuot. I am wearing a pink short dress na mas mahaba ang likuran and I paired it with a black belt and stilleto. Tada! A gorgeous lady in disguise. Wahaha.

ATM 1:A Total Mess (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon