Angel
Angelos POV
"Hindi kaya ako bipolar!!!"protesta ni Samantha sa sinabi ko pero hindi ko na siya pinansin at tiningnan ng masama si JC. John Clifford Stripper. At siya ang may-ari ng club na ito. My mortal enemy... Kaya nga nandito si Dom e. Nagmamanman siya para sabihin yung mga kaganapan dito. At hindi ko alam kung bakit napunta yung bipolar na yan dito. Oo, BIPOLAR. As in, B-I-P-O-L-A-R!!! Siya na ang may pinaka-kakaibang mood swings. Minsan masungit, mabait, sweet, childish, caring at marami pang iba. Hindi ko nga mahulaan kung anong trip niya sa buhay, e.
"Halika na! Marami pa tayong pag-uusapan!"sabi ko at hinawakan na siya sa braso at hinila.
"Teka!"tapos hinila niya 'yung kamay niya pabalik.
"Ano na naman?!"inis kong tanong. Pucha, nakakawala ng pasensiya!
"Usap lang ba talaga gagawin natin?"she pouted. Nagulat naman ako sa tinanong niya. Pati yung mga taong nanunuod sa amin ay nagulat."Baka patayin mo 'ko, ah..."inosenteng sabi niya -_- Haaayy... Akala ko pa naman kung ano na ibig sabihin niya dun e. Sayang! Haha.
"At saan mo naman nakuha 'yang mga pinagsasabi mo?!"galit kong tanong.
Tapos tinuro niya si Dom. Napabaling ang tingin ko sa direksiyon ng daliri ni Samantha. I glared at Dominic Dela Cruz.
"A-he-he. W-wala 'kong sinabi sa kanya na p-papatayin mo siya. ha-ha."he stammered. Tss. Kahit kailan talaga 'to!
"Yeah. Wala ka ngang sinabi na papatayin niya 'ko. But you said he's a murderer. Nakalimutan mo na ba, Dom?"tanong naman sa kanya ni Sam na hindi man lang napansin yung pagmamakaawa sa mukha ni Dom."Hindi mo pa din maalala?"tanong pa din ni Sam dahil umiiling si Dom sa kanya. Haha. Akala niya siguro hindi maalala ni Dom. Umiral na naman ngayon ang pagka-slow ni Sam. Damn this girl! Tinitigan ko pa lalo ng masama si Dom.
"S-sam naman! Wag ka naman ganyan! B-baka naman namali ka lang ng dinig?"pilit pa din ni Dom.
"Hala... Anong nangyari sa 'yo, Dom? Utal ka na din katulad sa Secretary ni Angelo?"may pag-aalala sa boses ni Sam.
(-_-) Ganyan lahat ang itsura namin.
"Tss. Tara na!"sabi ko na lang at hinila na ulit ang kamay ni Sam. Pero hinila niya pabalik ang kamay niya. ULIT. Ang tigas talaga ng ulo!
"Ayoko sumama sayo! Papahatid na lang ako sa kanya!"sabay turo ulit kay Dom.
"Hindi ko pwedeng gawin 'yon, Sam. Mahal ko pa yung buhay ko."sabi naman ni Dom and she lookes confused by what he said. Haaayyy... Heto na naman po siya...
"Ikaw, Cliff? Mahal mo pa ba buhay mo? Ikaw na nga lang maghatid sakin, please?"what! Her puppy eyes? Darn!
"Are you crazy, Sam?! Iuuwi na kita!"Hinila ko na siya at hinigpitan ang kapit sa braso niya para hindi na makawala. Baka kung ano pang gawin niyang kalokohan.
"Huhuhu. Battered wife na 'ko. Kawawa naman ako. Sige na nga, bye Dom, bye Cliff, bye kuya bouncer, bye people..."sabi niya sa parang paiyak na tono.
"Hindi ka battered wife, okay?"naiinis na talaga 'ko! Una, hindi ko alam kung paano siya nakapunta dito. Pangalawa, kilala niya na din yung gagong JC na yun. Pero buti na lang nataon na nandoon si Dom at nakita si Sam kundi baka kung ano na nangyari sa kanya at lalo siyang mapapahamak kung nalaman ni JC na asawa ko siya! Ugh! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dito sa babaeng 'to!
"E, bakit mo 'ko sinasaktan? Ang sakit kaya ng hawak mo sa braso ko!"angal niya at medyo niluwagan ko na yung pagkakahawak ko sa braso niya.
"Hi miss... Ang sexy mo, a!"narinig kong sabi ng isang lalaki na halatang lasing na nang palabas na kami ng bar. Nakangisi ito.
BINABASA MO ANG
ATM 1:A Total Mess (FBS#1)
RomanceFixed marriage? Uso pa ba 'yon? Samantha is the only child of the Martinez Fortune. That's why she was tasked to marry a man who can fully handle a big responsibility. And that man is no other than Angelo Salazar, the heir of the Salazar incorporati...