ONE YEAR LATER...
KANINA pa nakatitig si Caleb sa picture nilang tatlo nila Sophia at Clarence. Today is Sophia's first year death anniversary. Napabuntong-hininga siya. Hindi sila umuwi sa probinsiya para bisitahin ang puntod ng asawa niya. Hindi pa rin niya matanggap ang nangyari rito. Sophia was raped and murdered. At hanggang ngayon hindi pa solved ang kaso ng asawa niya. Hindi pa niya nakukuha ang hustisya.
Umalis sila si Clarence sa probinsiya at nagtungo rito sa Maynila. He established his another restaurant. Habang ang restaurant niya sa probinsiya, ang pinsan niyang si Denver ang nag-aasikaso.
Ang bahay naman, may pinatira siya doong caretaker. Napabuga ng hangin si Caleb. Napatingin siya kay Clarence na abala sa panonood ng cartoons. His son was now four years old, turning five. Ang bata nitong nawalan ng ina. Siya na ang naging ina at ama kay Clarence.
Nakatanggap na lang siya ng tawag na nasa morgue na ang katawan ng asawa niya. Niyakap niya ang malamig na katawan ng asawa. Hindi niya matanggap ang nangyari rito. Habang burol ang asawa niya, hindi siya umaalis sa tabi ng kabaong. Tulala siya habang nagbabantay. Hindi rin siya makakain ng maayos at makatulog.
Galit siya sa taong pumatay sa asawa niya pero kanino niya ibubunton ang galit niya? Hindi niya kilala ang lalaking pumatay sa asawa niya. Walang lead ang mga pulis kung sino ito.
Napabuga siya ng hangin, ibinalik niya ang picture frame sa nightstand at tumingin sa anak.
"Clarence, anak, tama na 'yan. Matulog ka na. Hindi ba may pasok ka bukas?"
"Opo, Daddy."
Kaagad itong humiga sa kama. Napabuntong-hininga naman si Caleb at kinuha ang remote. He turned off the television. Humiga siya sa tabi ng anak. Kinumutan niya ito at hinalikan sa nuo.
"I love you, Son."
Ngumiti si Caleb at ipinikit ang mata. Pero may naramdaman siya. Parang may nakayakap sa kaniya na malamig na bagay.
"Caleb..."
Nagmulat ng mata si Caleb. Nagtaka siya nang makitang nasa loob siya ng kwarto nila ni Sophia sa bahay nila sa probinsiya.
Bumangon siya at bumaba sa kama. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya rito.
"Caleb..."
Kumunot ang nuo ni Caleb, "Sophia?"
Nagmamadaling lumabas ng Caleb ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdan. Pero napatigil siya sa pagbaba ng hagdan nang makita ang living room.
Caleb gulped. Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Hindi niya alam kung namamalik-mata lang siya o hindi. He closed his eyes and then he opened it. Nandoon na pa rin ang mga nakakatakot na nakikita niya.
Sa living room, nakita niya ang mga nagkalat na katawan ng mga babae at naliligo ang mga ito sa sariling dugo.
Biglang humangin ng malakas ng sumara ang lahat mga bintana. Sa lakas ng pagkakasara ng mga ito, nabasag ang ilan sa mga bintana.
Namatay ang mga ilaw.
"Caleb...tulungan m-mo ako..."
"Sophia? Honey?"
Walang makita si Caleb dahil sobrang dilim ng paligid.
Maya-maya ay biglang nagkaroon ng ilaw. Biglang napaatras si Caleb sa nakita. Nakatayo na ang mga babaeng nakita niyang wala ng buhay sa sahig at nakalutang ang mga ito.
"Shit!"
Napabalikwas ng bangon si Caleb. Pinagpapawisan siya at hinihingal. Nagtaas baba rin ang dibdib niya.

BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
МистикаLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...