NAPABUNTONG HININGA si Hazel habang naglalakad sa kalsada. Hapon na at naglalakad siya sa walang katiyakang direksiyon. She wanted to calm her mind. Hindi niya alam pero habang tumatagal ay marami siyang mga nakikitang kaluluwa. Sanay na siya pero ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit sa kaniya nagpapakita ang mga ito? Ang karamihan sa mga nakikita niyang kaluluwa ay ang mga taong pinatay kaya minsan kahit sanay na siyang makakita ng mga kaluluwa, nagugulat na lang siya kung bigla na lang magpapakita ang mga ito sa harapan niya lalo na kung duguan pa ang mga ito.
Natigilan siya nang maramdaman ang malamig na hangin na yumakayakap sa kaniya. Huminga siya ng malalim, alam niyang may magpapakita na naman sa kaniya. Hindi nga siya nagkamali dahil may lumagpas sa kaniyang kaluluwa, nakalutang ito at humarap ito sa kaniya. Ito ang kaluluwang laging nakasunod kay Caleb. Hindi ito duguan, maayos ang damit nito at wala itong dugo. Nakatingin lang ito sa kaniya saka tumalikod.
Hazel got curious and followed the woman's ghost. Dinala siya nito sa isang parke. She suddenly stopped walking when she saw Caleb and Clarence at the park. Lumapit ang kaluluwa ng babae sa mag-ama at umupo ito sa swing. Pinanood nito ang mag-ama na nakaupo sa bench. Clarence is eating ice cream and Caleb is looking at his phone.
Kumunot ang nuo niya nang makita ang lungkot sa mukha ng babaeng kaluluwa. Ano ang relasyon nito sa mag-ama? Pero napatigil siya nang maalalang patay na ang ina ni Clarence. Hindi kaya ito ang ina ni Clarence?
Hazel sighed.
Aalis na sana siya nang makita siya ni Clarence at tinawag siya nito. Mabilis naman na napatingin sa kaniya si Caleb.
"Tita Hazel!"
Kinawayan siya ng bata kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang lumapit sa mga ito.
"Hi." Bati niya.
"What are you doing here?" Tanong ni Caleb sa kaniya.
Umiling siya. "Naglakad-lakad lang ako. Then, someone lead me here." Aniya.
"Sino?" Tanong ni Caleb.
"Siya." Sabi ni Hazel sabay turo sa kaluluwa ng babae na nakaupo sa swing.
Tumingin naman si Caleb sa itinuturo ni Hazel. Natawa siya nang makitang walang tao. "Wala namang tao, eh."
Hazel blinked and sighed. Nakalimutan siya lang pala ang nakakakita ng kaluluwa ng babae.
"Tita, tabi ka sa akin." Sabi ni Clarence.
Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Clarence. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya nang may naiwang ice cream doon.
"Thank you, Tita."
Hinaplos ko lang ang buhok niya.
Napangiti na lang si Caleb dahil nakikita niyang komportable ang anak niya kay Hazel kahit hindi pa nito gaanong kilala ang dalaga.
Tumingin si Hazel sa swing at nakita niyang wala na ang kaluluwa ng babae na nakaupo roon. Napatayo siya at tumingin sa paligid para hanapin ito.
"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Caleb.
Hazel looked at Caleb. Umiling siya. "I have to go." Sabi niya at mabilis na umalis.
Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay kailangan niyang hanapin ang kaluluwang 'yon. Hindi nga rin niya alam pero alam niyang may gusto itong sabihin sa kaniya pero hindi nito masabi. Napaigtad siya nang may humawak sa balikat niya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay na nasa balikat niya at pinilipit ito.
"It's me." Nasasaktang sabi ng lalaki.
Mabilis na binitawan ni Hazel ang kamay ni Caleb nang makilala niya ang boses nito. "Sorry. Nagulat ako." Sabi niya.
Caleb sighed. "Sino bang hinahanap mo?" Tanong nito. "Nagmamadali kang umalis."
Tumaas ang kilay ni Hazel. "Kung sasabihin kong multo, maniniwala ka?"
Natawa si Caleb saka napailing. "Multo? Hindi naman sila totoo? Maniniwala lang ako kapag nakakita na ako." Sabi niya.
Nag-iwas ng tingin si Hazel. Sabi na, eh.
Tumingin siya sa paligid at nang makita niyang wala na talaga ang hinahanap niyang kaluluwa, tumingin siya kay Caleb. Nanlaki ang mata niya at napaatras nang makitang nasa likuran ni Caleb ang hinahanap niyang kaluluwa.
Kumunot ang nuo ni Caleb at napatingin sa kaniyang likuran nang makitang nakatingin doon si Hazel. Wala namang tao sa likuran niya.
"Anong tinitignan mo sa likuran ko?" Tanong ni Caleb kay Hazel.
Napakurap si Hazel at tumingin kay Caleb. Ngumiti siya. "Multo." Sagot niya.
Caleb sighed. "Ewan ko sa 'yo." Sabi niya at naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Clarence.
Sumunod naman si Hazel kay Caleb.
Wala na ang kaluluwa ng babae.
Huminga siya ng malalim. Napailing siya. Bakit pa kasi niya hinanap ang kaluluwa na 'yon? Hindi naman niya kaano-ano. Napabuntong hininga na lang siya. Matagal na niyang hinihiling na sana makita niya ang kululuwa ng mga magulang niya pero hindi siya pinagbigyan. Nakuha niya ang hustisya para sa kaniyang mga magulang, she endured everything just to get the justice she wants. Pero ang tanging kahilingan na makita niya ang mga ito sa huling pagkakataon ay hindi nangyari.
Sa dinami-dami ng mga kaluluwa na nakakasalamuha niya, hindi niya ni minsan nakasalamuha ang kaluluwa ng mga magulang siya. She sighed. Life is really unfair. Hindi niya alam pero minsan tinataning niya ang kaniyang sarili kung ano ba talaga ang misyon niya sa mundong 'to at kung bakit siya binigyan ng ganitong kakayahan?
"Tita."
Napatingin siya kay Clarence. Hindi man lang niya namalayan na nakabalik na sila ni Caleb sa kinaroroonan ng anak nito.
"Bakit?" Tanong ni Hazel sa bata.
Ngumiti si Clarence. "Ang ganda niyo po."
"Ah?"
"Ang ganda niyo po."
Ngumiti si Hazel. "Salamat." Sabi niya at tumingin kay Caleb.
"Are you okay? Mukhang may malalim kang iniisip."
Umiling si Hazel. "Mauuna na ako sa inyong dalawa. May gagawin pa kasi ako." Sabi niya at umalis.
"Tita Hazel."
Lumingon siya. Kumaway si Clarence sa kaniya at kinawayan naman niya ito. Ngumiti siya at naglakad paalis. Bumalik siya sa police station at nagpasalamat na lang siya na walang kaluluwa ang gumambala sa kaniya.
Huminga siya ng malalim nang makapasok siya sa opisina niya. Natigilan siya nang makita niyang may mga patay na petals ng bulaklak sa loob ng opisina niya. Lumuhod siya at tinitigan ang mga ito. Walang kaluluwa ang gumambala sa ngayon maliban kanina pero ito naman ang sumalubong sa kaniya. Tuyong petals ng bulaklak ang nasa loob ng opisina niya.
Ano na naman kaya ang ibig sabihin nito?
At sino naman kaya ang naglagay nito sa loob ng opisina niya?
Napabuntong hininga na lang siya saka napailing.
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)