PUTING kisame ang bumungad kay Hazel pagmulat niya ng kaniyang mata. Napatingin siya sa kaniyang gilid nang maramdaman niyang may nakapatong sa kamay niya. She saw Caleb holding her hand. Nakayukyok ito sa gilid ng kinahihigaan niya.
"Hospital?" Aniya nang maamoy niya ang mga gamot.
Napabuntong hininga siya nang maalala niya ang nangyari. Nahuli kaya si Ricardo? Ipinikit niya ang mata. Nararamdaman niya ang benda sa braso, kamay at leeg niya. But all this wound is worth it if Ricardo is caught. Napatingin siya kay Caleb nang gumalaw ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya.
"You're awake," aniya nang nagmulat ng mata si Caleb.
Mabilis na napatingin si Caleb kay Hazel. Napatayo siya. "You're awake, Hon. How's your feeling?"
Hazel sighed. "Not good."
Umupo si Caleb sa gilid ng kama. "At least you're fine as the doctor said." He sighed. "I shouldn't have listened to you. Hindi dapat kita iniwan sa bahay at mag-isang hinarap si Ricardo."
Hazel smiled. "But if you stayed, lalabas ba siya?"
Umiling si Caleb.
"How was it? Nahuli ba siya?" tanong ni Hazel.
Caleb sighed. "No."
Bahagyang nanlaki ang mata ni Hazel. "Why? What happened?"
"Nakatakas siya, Hon. I'm worried. Alam kong babalikan ka niya," nag-aalalang sabi ni Caleb.
Hazel smiled. "I will be fine."
Umiling si Caleb. "Hindi mo maalis sa akin ang pag-aalala. I know that you are capable of handling your enemy but this one," he sighed, "this one is different."
Hinawakan ni Hazel ang kamay ni Caleb. "I will be fine. Si Clarence pala?"
"Still with Denver. Don't worry about him. My cousin will take care of him."
Tumango si Hazel. "Caleb, I know Ricardo will show himself soon and I will get ready. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya ako napapatay."
"So, you have two guards outside."
Kumunot ang nuo ni Hazel.
"I asked it from the Chief. Mahirap na."
"Oh." Napatango si Hazel. "Kailan ako makakalabas?"
"After you get healed."
Malalim na napabuntong hininga si Hazel. "Caleb, kung hihintayin natin na maghihilom ang mga sugat ko baka napatay na ako ni Ricardo bago pa man ako makalabas ng hospital. Alam kong pupunta siya dito kaya kailangan kong makalabas."
"I will double the security," Caleb said. "Hindi ako papayag na lalabas ka dito ng hindi ka pa gumagaling," seryoso niyang saad.
Napabuntong hining si Hazel. Hindi na lang siya nagsalita. Ayaw niyang makipagtalo kay Caleb. Wala rin lang patutunguhan kung makikipagtalo siya dito. Kilala niya ang asawa. Kapag seryoso na ito, hindi mo na mababago ang desisyon nito.
Hazel was staring at the ceiling when the door opened. Caleb went to buy food. "Neth?" Aniya.
"Hazel, kumusta ka na?"
"I'm fine. Ito na ang pangalawang araw ko dito sa hospital. Gusto ko ng umuwi pero ayaw ni Caleb," sabi niya.
"He's just worried of you."
Hazel sighed. "I know. Nakatakas ang ama mo. Alam mo ba kung saan siya pwedeng matagpuan?"
Umiling si Neth at umupo sa stool. "He's calling me but he doesn't want to tell where he lives."
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
خارق للطبيعةLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)