CLARENCE is listening to his teacher. He's inside the room and they're lecturing. Habang nakikinig siya sa guro, tumingin siya sa labas ng classroom at kaagad din niyang ibinalik ang atensiyon sa teacher niya. Pero muli na naman siyang napatingin sa labas ng classroom at nakita niyang may nakatayong babae sa labas ng classroom nila.
Kumaway ang babae sa kaniya at ngumiti ito.
Ngumiti rin siya at bahagyang kumuway. Nagtataka siya kung bakit bigla na lang itong naroon samantalang kanina ay wala naman.
"Clarence, what are you looking outside?" His teacher asked him so he looked at her.
"Teacher..." Napatigil ang bata sa pagsasalita nang makita niyang wala na ang babae sa labas ng classroom. Tumingin siya sa teacher niya. "No, Teacher."
Ngumiti ang guro. "Focus to our lessons."
"Yes, Teacher." Sagot ni Clarence.
Pero hindi napigilan ng bata na muling tumingin sa labas ng classroom at nakita na naman niya ang babae. Habang nakatingin si Clarence ng matagal sa babae na nakangiti sa kaniya. Nakilala niya ito. "Mommy..." Mahina niyang sambit.
Kinakawayan siya nito.
Naging hindi mapakali ang bata, panay ang tingin niya sa labas ng classroom at naroon pa rin ang Mommy niya. Natuwa siya na makita ang mommy niya kaya naman nang mag-ring ang buzzer, mabilis niyang inilagay sa bag ang gamit niya at lumabas.
Nakita niyang umalis ang Mommy niya kaya naman sinundan niya ito.
"Mommy!"
KUMUNOT ang nuo ni Caleb nang hindi niya makita ang anak niya sa waiting shed sa labas ng gate ng school nito. Saan naman kaya nagpunta ang anak niyang 'yon? O baka naman hindi pa ito lumabas? He looked at his wrist watch, dapat kanina pa ito nakalabas. He sighed. Bumaba siya sa kotse at pumasok sa loob ng school. At habang papasok siya sa loob ng school, nakita niya ang ilang pre-school kid na lumalabas ng school kasama ang kanilang mga magulang.
Nang makarating siya sa classroom ng anak niya, nakita niyang wala ng estudyante sa loob ng classroom at ang teacher na lang ang naiwan na kasalukuyang nag-aayos ng gamit nito.
He knocked at the door.
Tumingin naman sa kaniya ang teacher ni Clarence.
"Mr. Asuncion?" Nagtatakang sabi ng guro.
Tumango si Clarence. "Ma'am, I didn't see my son at the gate so I came here to look for my son but no one's here."
Umiling ang guro ng anak niya. "Kanina pa nakalabas ang anak mo. Pero napansin ko na parang may tinitignan siya sa labas ng classroom kanina pero wala namang tao. Hindi ko na lang pinansin kasi akala ko gusto na niyang umuwi."
Nakaramdam ng pag-aalala si Caleb. Mabilis siyang umalis ng classroom at nagtungo sa gate. Tinanong niya ang guard kung nakita nito ang anak niya at ipinakita niya ang picture ni Clarence sa guard.
"Nakita ko ang batang 'yan kanina. Siya nga ang unang lumabas sa gate kanina, Sir." Sabi ni guard.
"Saan siya pumunta?" Tanong ni Caleb. Hindi niya naitago ang pag-aalala sa mukha niya.
"Do'n." Sabay turo ng guard sa kalsada na patungo sa isang parke.
"Salamat."
Mabilis na nagtungo sa kinaroroonan ng kotse si Caleb. Mabagal siyang magmaneho dahil abala siya sa pagtingin sa bawat gilid ng kalsada. He's looking for his son.
"Clarence, where are you?"
"Damn..." Caleb can't help but to cussed.
He needed someone to help him.
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)