CHAPTER 18

461 34 2
                                    

One Year Later…

HUMINGA ng malalim si Caleb habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak, inilagay niya ito sa passenger seat at kinapa niya ang maliit na white velvet box na nasa loob ng kaniyang bulsa. Isang taon na ang nakalipas. Isang taon na rin ang relasyon nila ni Hazel. Yes, they’re now boyfriend and girlfriend. Actually, plano na niyang mag-propose kay Hazel. Gusto na niya itong pakasalan.


“Daddy.”


“Hmm?” Nilingon niya ang anak niya na nasa likuran ng kotse. “Bakit, Kiddo?”


“Make Mommy say ‘yes’ or else I will hate you.” Sabi ni Clarence.


Caleb smiled confidently. “I can make your Mommy say ‘yes’ to me, Kiddo.”


“Sana po.” Sabi ng anak niya.


Napailing si Caleb. “Mukhang wala kang bilib sa akin, Clarence, anak.”


“When it comes to Mommy, wala po talaga, Daddy. I’m sorry po.” Ngumiti si Clarence.


Napailing na lang si Caleb. “Let’s go to your Mommy’s house.”


“Okay po.”


Caleb started the engine and drove the car towards Hazel’s house. Habang humaharurot ang kotse patungo sa bahay ni Hazel, sinulyapan ni Caleb si Clarence at nakita niyang nakatingin ito sa labas ng bintana at tinitignan ang mga dinadaanan nila. Ngumiti na lang siya at mas binilisan pa ang pagmamaneho ng sasakyan hanggang sa makarating silang dalawa ng anak niya sa bahay ni Hazel. Alam niyang wala ang dalaga sa bahay nito dahil may trabaho ito pero may ibinigay naman ito sa kaniyang spare key.

"Sige ma, Kiddo. Bumaba ka na." Sabi niya sa anak niya nang maipasok niya ang kotse sa loob ng compound.

"Opo, Daddy."

Bumaba na rin siya at kinuha ang bouquet sa passenger seat. Kinuha rin niya ang mga dinala niyang pagkain at ipinasok sa loob ng bahay. Maya-maya ay tumawag si Hazel sa kaniya.

"Yes?"

"Nasaan kayong dalawa? Nandito ako sa condo niyo." Sabi ni Hazel.

Caleb smiled. "We're in your house."

Hazel sighed. "Bakit hindi niyo sinabi na pupunta kayo sa bahay? Mag-ama talaga kayong dalawa." Sabi niya kay Caleb.

Caleb laughed. "Sorry," he said. "This is a surprise and don't forget, it's our first yeae anniversary."

"I know. Hindi ko nakalimutan pero ang galing rin ninyo." Sabi ni Hazel habang napapailing na lang. "Nasalisihan niyo akong mag-ama."

Caleb chuckled. "Sorry, Darling. Ahmm... Pumunta ka na lang dito."

"Excuse me. Sariling kong bahay ang kinaroroonan niyo."

"Yep." Caleb said. "Kaya umuwi ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Clarence. Lalaki ang babayaran mo ng kuryente." Aniya habang nakatingin kay Clarence na nanonood ng tv.

"Whatever." Sabi ni Hazel. "Ikaw magbayad niyan."

"Pakasal muna tayo." Sabi naman ni Caleb habang nakangiti.

Ngumiti naman si Hazel na nasa kabilang linya. "Pwede rin."

Natigilan si Caleb. He smiled before saying, "I love you."

"I love you too."

Hazel ended the call.

Parang baliw na napangiti si Caleb at nilagpasan ang anak na nanonood sa living room. Hinanda niya ang dinner nila para pagdating mamaya ni Hazel ay kakain na lang sila.

While waiting for Hazel, pumunta siya sa living room upang samahan ang anak niya na manood pero cartoon naman ang pinapanood nito kaya ipinikit na lang niya ang mata at sumandal sa sofa na kinauupuan.

Maya-maya, narinig niya ang pamilyar na ugong ng sasakyan ni Hazel kaya alam niyang dumating na ito. Naramdaman niyang bumaba si Clarence sa kinauupuan nito. Malamang sasalubungin niya ang Mommy Hazel nito. Hinayaan na lang niya at hinintay si Hazel na pumasok.

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon