CHAPTER 24

487 28 0
                                        

SA SUMUNOD na pagbisita ni Caleb sa restaurant niyang nasa probinsiya, sinama niya si Hazel para naman hindi ito mayamot sa loob ng bahay nila. Isinama rin nila si Clarence. Habang humaharurot ang kotse patungo sa restaurant, Hazel is busy looking outside the car's window. Nakaupo naman sa hita nito si Clarence.

"What are you thinking?" Caleb asked his wife.

Tumingin sa kaniya si Hazel at ngumiti. Umiling si Hazel. "Wala naman."

"Don' lie. Alam kong may iniisip ka, Hon. Kilala na kita," sabi ni Caleb at ngumiti. Sinulyapan niya ang asawa niya.

Hazel sighed. "Hindi ako komportable sa bahay mo."

Kumunot ang nuo ni Caleb. "Bakit naman?"

"Sophia is there. Earlier before we left, I saw her at the window. She's looking at us. Look. Sophia is your first wife and I'm your second wife. Pareho kaming nasa iisang bahay. Ang pinagkaiba lang namin, siya, kaluluwa na habang ako ay buhay pa. Forget it. Masasanay din ako," sabi ni Hazel at tinignan si Clarence na nasa kandungan niya. Abala ito sa paglalaro ng cellphone niya.

"Hon, what do you need me to do?" tanong ni Caleb.

Umiling si Hazel. "Nothing. Oo nga pala, pwedeng dito muna tayo. Hindi na bale at bakasyon naman nila Clarence."

Kumunot ang nuo ni Caleb. "May gagawin ka ba dito?"

Tumango si Hazel. "Mayroon pero hindi pa ako sigurado kung tama ang hinala ko kaya hindi ko muna sasabihin sa 'yo."

"Okay." Tumango si Caleb. "Anything you wish to do. I'm at your command."

Ngumiti si Hazel at ginulo ang buhok ni Clarence. "Is it okay with you, Baby? We will stay here for a month?"

"Yes, Mommy. The city is too polluted."

Parehong natawa si Hazel at Caleb sa sinabi ng bata. Napailing si Hazel at muling tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Ngumiti siya. Nang makarating sila sa restaurant, naunang bumaba ng kotse si Caleb at pinagbuksan ng pinto ng kotse si Hazel. Bumaba ng kotse si Hazel at napatingin sa restaurant na nasa harapan niya.

"It's nice outside so I think mas maganda pa sa loob," sabi ni Hazel at tumingin kay Caleb.

Caleb smiled. "See it for yourself."

"Okay. Let's go."

Pumasok sila sa loob ng restaurant. Napangiti si Hazel. Katulad ng restaurant ni Caleb sa syudad, marami ang mga kumakain.

"Let's go to my office."

Tumango si Hazel.

Pumunta sila sa opisina ni Caleb at nadatnan nilang naroon si Denver at ito ang nakaupo sa upuan sana dapat ni Caleb.

"Sister-in-law, you came to visit," Denver said.

Tumango si Hazel at ngumiti.

Kapagkuwan lumiwanag ang mukha nito nang makita nito si Clarence. "Clarence, come here. Give you Tito a hug."

Tumakbo naman si Clarence papunta kay Denver at nagpakarga. Denver chuckled and kissed Clarence cheek.

"Maiwan muna namin sa 'yo si Clarence. Ipapasyal ko lang si Hazel dito sa restaurant," sabi ni Caleb.

"Okay. Go."

Caleb smiled and looked at his wife. "Let's go."

Tumango si Hazel.

Caleb toured his wife around the restaurant and he introduced her to the crew. Nang matapos na ipakilala ni Caleb ang asawa niya sa mga empleyado, lumabas sila ng restaurant at pumunta sa likod nito. May upuan doon para sa mga empleyado lang.

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon