CHAPTER 20

502 26 0
                                        

HABANG patungo si Caleb at Hazel sa kanilang honeymoon destination, nakatingin lang si Hazel sa labas ng bintana ng sasakyan at tinitignan ang mga dinadaanan nila. Napabuntong hininga siya nang maalala si Sophia. Nasa loob ito kanina ng simbahan at nakangiti na para bang masaya ito para sa kanilang dalawa ni Caleb.

"What's with that sigh?" Caleb can't help but to ask. "Katatapos lang ng kasal natin, Darling. Don't tell me that you're regretting it now."

Hazel looked at her husband. "Sira. May iniisip lang ako." Sabi niya.

"You can tell me." Caleb said.

Huminga ng malalin si Hazel. "I saw Sophia in the church."

"Oh." Napatango si Caleb. Normal na ang ganitong usapan nilang dalawa ni Hazel. Sanay na siyang naririnig na nakakakita ito ng kaluluwa ng mga namayapa na.

"She's smiling like she was happy for us."

Ngumiti si Caleb. "Isn't that good? It means that we already got her blessing." Aniya.

Hazel sighed. "Hindi ko alam pero minsan-minsan ko na lang siyang nakikita. Hindi na siya laging nakasunod sa atin katulad ng dati. Nakita ko rin siya noon noong birthday ni Clarence."

Hinawakan ni Caleb ang kamay ng kaniyang asawa. "Huwag mo ng isipin pa ang mga 'yon. It's our day today so you must be happy or else I will feel bad."

"I'm sorry. I can't help it." Sabi ni Hazel.

Caleb smiled. "Darling, just feel at ease and calm yourself." Aniya.

Ilang oras din ang biyahe nilang dalawa bago sila nakarating sa lugar na pupuntahan nila. Bumaba sila ng kotse. Ibinaba ni Caleb ang mga gamit nila bago sila pumasok sa hotel kung saan nagpa-book si Caleb.

"Here's your key, Sir. Enjoy your stay." Sabi ng receptionist.

Kinuha naman ni Caleb ang susi. Kinuha naman ni Hazel ang maleta niya na hawak ng asawa niya at siya na ang humila patungo sa kwarto nila. Nang makapasok sila sa kwarto, tumingin si Hazel sa labas ng bintana, gabi na sila nakarating. Huminga siya ng malalim at isinara ang kurtina.

"Hazel, let's go out first and eat." Sabi ni Caleb. "You need some energy for the later romantic event." Pilyo niyang nginitian ang asawa.

Hazel rolled her eyes to her husband. "Rascal."

Caleb chuckled. "Let's go."

Lumabas sila ng hotel room nila at nagtungo sa restaurant na nasa loob rin ng hotel na kinaroroonan nila. They're in Baler, Aurora. Sana nga makapag-enjoy si Hazel lalo na at nitong mga nakaraang araw ay marami siyang ginagawa. It's a good thing na dito sila sa Aurora pumunta, siguro naman makakapag-unwind siya, silang dalawa ng asawa niya.

"Wow." Sabi ni Hazel nang makita niya ang loob ng restaurant. Nginisihan niya ang asawa. "Can you afford this?"

"Of course." Sabi kaagad ni Caleb. "Pero kapag hindi ko afford maghuhugas na lang tayo ng pinggan."

Nagtawanan silang dalawa.

Napailing si Hazel. "Halika na nga. Nagugutom na ako."

"Okay."

"Welcome, Sir, Ma'am." Bati sa kanila ng waiter.

Tumango si Caleb. "Table for two."

"This way, Sir."

Sumunod sila sa waiter at dinala sila nito sa bakanteng pwesto. Kahit gabi na, marami pa rin ang kumakain sa loob ng restaurant. Mostly, couples like them.

Nag-order sila ng pagkain. At nang dumating ang order nila nagsimula na silang kumain. Habang kumakain sila, nagtanong si Caleb.

"May nakikita ka bang kaluluwa dito ngayon?" Tanong niya.

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon