HABANG nasa loob si Hazel ng sarili niyang opisina, naramdaman niyang tumayo ang mga balahibo niya sa katawan at niyakap siya ng malamig na hangin. Hindi niya alam pero wala naman siyang nakikitang multo sa loob ng kaniyang opisina pero talagang sobrang lamig na. Maya-maya ay humupa ang lamig na nararamdaman niya pero sa pinto, nakita niyang nakatayo doon si Sophia at sa kauna-unahang pagkakataon, ngumiti ito sa kaniya bago ito naglaho. Kumunot ang nuo ni Hazel. Ito ang unang beses na ngumiti si Sophia sa kaniya. Ito ang unang beses na nagpakita ito ng emosyon sa kaniya. Nagtataka si Hazel. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at napatitig na lang siya sa pinto kung saan naglaho si Sophia. Hindi niya alam pero parang gumaan ang pakiramdam niya.
"Is that her blessing?" Aniya. Napailing siya.
Kasi wala naman siyang maisip na rason kung bakit ngumiti si Sophia sa kaniya at gumaan na rin ang pakiramdam niya. Napabuntong hininga siya at hindi niya alam kung ngingiti siya o ano. Huminga siya ng malalim at napatingin sa cellphone niya na nasa kaniyang mesa. Umiilaw kasi ito.
Tumaas ang kilay niya ng makitang si Caleb ang tumatawag. Bigla niyang naalala ang halikan nilang dalawa noong nakaraang linggo. It's been two weeks since that kiss. At hindi niya pa rin makalimutan.
"Hello, Caleb." Pagsagot niya sa tawag nito.
"Hazel, are you free this Sunday?" Caleb asked.
"Yes." Sagot ni Hazel. "Why?"
"Clarence wanted to go to church. Gusto ka niyang isama. Okay lang ba?" Tanong ni Caleb.
"Sure." Sabi ng dalaga. "Wala naman akong gagawin."
"Great. I will fetch you in your house." Sabi ni Caleb.
Natawa bigla si Hazel. "Teka, sandali lang, Caleb. Si Clarence ba ang gustong magsama sa akin o ikaw mismo?" Tanong niya.
"Ahmm..." Napatikhim si Caleb. "Yeah, I am."
Napailing si Hazel. "I knew it." Sabi niya. "Okay. Sunday it is. Matagal na rin mula ng hindi ako nakapagsimba."
Napangiti si Caleb na nasa kabilang linya.
"Hazel."
"Hmm?"
"I like you." He said and he ended the call. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso saka natawa. Sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Napailing si Caleb. At last, nasabi na rin niya ang gusto niyang sabihin.
Napatitig naman si Hazel sa cellphone niya nang marinig ang sinabi ni Caleb. Natawa siya at napangiti na lang. Napatingin siya sa cellphone niya nang muli itong tumunog. Akala niya si Caleb ulit ang tumatawag dahil baka may nakalimutan itong sabihin pero nagtaka siya nang makitang unregistered number ang tumatawag.
Kumunot ang nuo niya at sinagot na lang ang tawag dahil baka importante ito.
"Hazel Garcia, speaking." Sabi niya.
"Hazel Garcia, naalala mo pa ba ako?" Saad ng nasa kabilang linya.
Kumunot ang nuo ni Hazel nang marinig na pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya.
"May I know who's this, Ma'am?" Tanong niya.
"Gaga ka talaga. Tatlong taon lang tayong hindi nagkita, hindi mo na ako maalala." Sabi ng nasa kabilang linya. "Ako 'to. Si Maze na kaibigan mom ula pa noong college. Naalala mo na?"
Nanlaki ang mata ni Hazel. "Really? Maze Sebastian?"
"The one and only." Natatawang sabi ni Maze.
"Oh my god! How are you?" Masayang tanong ni Hazel.
"I'm super duper fine, Hazel."
"Teka," kumunot ang nuo ni Hazel, "nasaan ka?"
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)