KANINA pa tahimik na pinagmamasdan ni Caleb ang picture ni Sophia na nasa picture frame. Napabuntong hininga siya at napatingin kay Clarence na naglalaro. Kagagaling lang ni Hazel sa condo nila at binisita nito si Clarence. Minsan nga ito na ang nagbabantay sa anak niya kapag wala siya at wala naman itong trabaho.
"Sophia, hindi naman siguro masama kung magmahal ulit ako hindi ba? Papayag ka naman. Clarence needs a mother who will take care of him. And I admit that I'm falling now for Hazel. I don't want to be buried in the past. I want to think of the future. Kaya pasensiya ka na kung may babae ulit akong iibigin." Aniya habang nakatingin sa larawan ni Sophia.
Napatingin siya sa baso na nasa tabi niya nang bigla na lang itong nahulog sa sahig. Kumunot ang nuo niya dahil sa biglaang pagkahulog ng baso. Hindi naman niya ito nasagi. Paano ito nahulog?
Napabuntong hininga na lang si Caleb at tumayo. Inilapag niya ang picture ni Sophia sa counter saka kumuha ng walis at tambo. Nilinis niya ang bubog at itinapon.
Nang bigla na lang tumaob ang picture ni Sophia. Caleb suddenly felt a goose bumps. Wala namang hangin sa loob kaya paanong bigla na lang itong tumaob. He shook his head and arrange it.
Caleb looked at his son. Para siyang napako sa kinatatayuan nang makita niyang may puting fog sa tabi ng anak niyang naglalaro. Puting fog na may pigurang tao pero unti-unti itong nawala. Napahawak siya sa kaniyang sentido. Ano bang nangyayari?
Caleb sighed.
"Clarence, anak, magpahinga ka na. Gabi na. May pasok ka pa bukas." Sabi niya.
"Opo."
Kaagad na itinigil ni Clarence ang paglalaro nito at pumasok na sa kwarto dala ang nilalaro nito. Nang makapasok sa loob ng kwarto ang anak niya, napatingin siya sa kaniyang gilid dahil parang may nakita siyang nakaputi doon pero pagtingin niya ay wala naman.
"Sophia, are you with us? Are you protecting us?" Caleb asked in the air because he knew that he's not talking to someone.
Pinatay niya ang ilaw sa kusina at pumasok na rin sa kwarto para magpahinga. Pagpason niya sa kwarto, nakita niyang nakatulog na ang anak niya. Inayos niya ang kumot nito at nahiga na rin siya sa kama. Ipinikit niya ang mata pero kaagad din siyang napamulat nang makita niya ang nakangiting mukha ni Hazel. Kusa na lang siyang napangiti saka napailing. Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan ang mga larawan ni Clarence at Hazel na magkasama. Tuwing pumupunta si Hazel sa condo nilang mag-ama, laging kinukuha ni Clarence ang cellphone niya. Nagtataka naman siya kung bakit, ngayon alam na niya.
He chuckled while looking at their pictures. Halata kasi na nagkukulitan ang dalawa. Pero natigilan si Caleb at bigla na lang napabangon nang makita ang isang parang pigura ng tao sa likuran ng dalawa, nakaputi ito pero malabo. Kumunot ang nuo niya at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya.
Tinitigan niya ng mabuti ang nakaputi sa larawan na nasa likuran ni Hazel at Clarence pero parang tao talaga ito, malabo nga lang. He sighed and immediately texted Hazel.
'I will come to you tomorrow.'
***
HAZEL found herself in a dark place. Hindi niya alam kung bakit nandoon siya sa lugar na 'yon. Basta nagmulat siya ng mata, naroon na siya sa lugar na 'yon. Hindi niya maaninag ang buong lugar dahil sobrang dilim, wala siyang makita. Para siyang isang bulag na nangangapa sa dilim.
"May tao ba dito?" Nagsalita siya pero nagulat siya nang mag-echo ang boses niya.
Ibig sabihin ay nasa loob siya ng isang kwarto na walang labasan. Pero paano siya napunta sa lugar na 'to?
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)