CHAPTER 10

489 32 1
                                    

CALEB looked at his son who's sleeping beside him. Mahimbing na ang tulog nito habang siya ay hindi siya makatulog. Sa tuwing pipikit siya ay si Hazel ang pumapasok sa isipan niya. Hindi niya alam kung bakit pero talaga si Hazel ang pumapasok sa isipan niya. Napabuntong hininga siya at bumangon. Talagang kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog.

Umupo siya sa kama saka napabuntong hininga. "What the hell is happening to me?"

Napabuga siya ng hangin. Napailing siya. "Bakit hindi siya mawala sa isipan ko?"

Pero noon pa niya napansin sa dalaga na may kakaiba rito. Hindi niya lang alam kung ano. Pero talagang pakiramdam niya ay may kakaiba rito.

Huminga ng malalim si Caleb at muling nahiga. Pinilit niyang matulog pero talagang hindi siya dalawin ng antok kahit anong gawin. Kaya naman pagdating ng kinabukasan, mahapdi ang mata kapag nahahanginan. Tiniis na lang niya paghahapdi ng mata niya at hinatid niya si Clarence sa school nito.

"Bye, Daddy."

Ngumiti siya at hinalikan ang anak niya sa nuo. "Behave, okay?"

"Yes, Daddy."

"Sige na. Pumasok ka na. Hintayin mo ako at susunduin kita mamayang hapon."

"Okay po."

Ngumiti si Caleb at tinignan si Clarence na naglalakad papasok sa loob ng school. Nang makita niyang nakapasok na ang anak niya sa loob ng school saka lang siya umalis at nagtungo sa restaurant niya. Pagdating niya doon, naroon na ang mga empleyado niya at hinihintay siya. Ibinigay niya ang susi kay Neil at binuksan nito ang restaurant.

Nang makapasok sila sa loob ng restaurant, kaniya-kaniya na silang harap ng kanilang mga trabaho. Some of the waiters arrange the chairs and tables, may nag-mop naman sa loob habang siya kasama ang ibang chef at ilang kitchen crew ay nagluto ng menu for the day.

Caleb focused her attention to his work. Pero talagang hindi mawala sa isipan niya si Hazel kahit anong gawin.

"Boss, hindi ko tatadtarin ang karne."

Napakurap si Caleb at napatingin sa ginagawa. Para siyang natauhan sa sinabi ng assistant niya. He sighed.

"Boss, ako na lang. Magpahinga na lang kayo. Mukhang pagod kayo at wala kayong maayos na tulog." Sabi ng assistant niya.

Tumango si Caleb. "Salamat."

Hinubad niya ang suot niyang apron. Lumabas siya sa kusina at tinignan ang mga waiter. Mukhang hindi naman sila nagkukulang ngayon ng waiter kaya naman dumeretso siya sa labas ng restaurant niya. Naglakad-lakad siya para kahit papaano ay mawala sa isipan niya ang babaeng iniisip niya.

He sighed. Nangyari na ito sa kaniya noon, kay Sophia. Pero hindi niya akalain na mangyayari ulit at kay Hazel at mas malala pa. Napailing siya sa sarili at naglakad sa sidewalk. Walang gaanong tao ang dumadaan sa sidewalk pero marami ang mga kotse ang dumadaan.

Namulsa siya at nakayuko habang naglalalakad nang may kotse huminto sa harapan niya. Napatingin siya roon at tinignan kung sino ang sakay ng kotse. Bumukas ang pinto ng driver seat at hindi niya inaasahan na si Hazel ang bababa ng kotse.

"Pwede bang tigilan niyo ako?!" Malakas na sabi ni Hazel.

Kumunot ang nuo ni Caleb. Humarap si Hazel sa kotse nito at napahawak ito sa mukha. Parang galit ito na hindi mapakali dahil sa hitsura nito.

"Argh!"

Mukhang may problema siya. Sabi niya base sa nakikita niyang reaksiyon ni Hazel.

"Palagi kang nakasunod sa akin pero hindi ka naman nagsasalita. Paano ko malalaman ang gusto mong sabihin?"

Mas lalong kumunot ang nuo ni Caleb. Nagtaka siya kung sino ang kinakausap ni Hazel. Wala naman itong kasama. At isa pa siya lang naman ang nasa malapit nito. He decided to walk towards her.

"Hazel."

"Ano?!" Sigaw ng dalawa na ikinagulat niya. Bigla itong humarap sa kaniya at napaatras siya nang makita ang mata nito. Galit ito at parang papatay na ito sa klase ng tingin nito.

Caleb immediately raised his hands. "I didn't do anything wrong." Sabi niya.

Napakurap naman si Hazel nang marinig niya ang boses ni Caleb. Napabuga siya ng hangin. "I'm sorry. Akala ko kasi kung sino na ang nagsalita."

Ibinaba ni Caleb ang dalawang kamay na nakataas. "Are you okay?"

Umiling si Hazel. "Honestly, no." She sighed.

"What happened? Mukhang may kaaway ka? I heard that you are talking with someone, pero wala ka namang kasama." Sabi ni Caleb.

Itinaas ni Hazel ang isang kamay. "Don't even mention it. Maiinis lang ako. May nakakainis kasi na palaging sunod ng sunod sa akin."

"Pero wala naman akong nakitang nakasunod sa 'yo." Caleb said.

Hazel just sighed. "Huwag mo ng pansinin ang sinabi ko." Sabi na lang niya at hindi na sinabi na palaging nakasunod sa kaniya. Baka pagtawanan lang siya nito. Kapagkuwan kumunot ang nuo niya. "Anong ginagawa mo dito? Malayo na ito sa restaurant mo."

Caleb looked at Hazel. Napatitig siya sa maganda nitong mukha.

Ikinaway naman ni Hazel ang kamay sa tapat ng mukha ni Caleb.

Napakurap si Caleb at tumikhim. "May gusto lang akong iwala sa isipan ko pero ang gusto kong mawala sa isipan ko ay nasa harapan ko na."

"Ano?" Nagtatakang tanong ni Hazel.

Mabilis na umiling si Caleb. "Ang sabi ko babalik na ako sa restaurant ko."

"Ihatid na kita. Ang layo na kaya nito sa restaurant mo." Sabi ni Hazel. "And I also wanted to eat lunch in your restaurant. Baka nandoon na nga ang mga kasamahan ko."

Caleb sighed. "Okay. Ako na ang magda-drive."

"Ako na." Sabi ni Hazel. "Pasok ka na." At sumakay na ito sa driver seat.

Wala ng nagawa si Caleb kung hindi ang sumakay sa kotse ni Hazel. Sumakay siya sa passenger seat at ikinabit niya ang seatbelt. Napatingin siya kay Hazel nang tumingin ito sa backseat. He saw Hazel shook her head before she started to drive the car. Tinignan naman niya ang backseat, wala naman siyang nakita doon kaya nagtaka siya.

Is Hazel, okay?

Caleb can't help but to sigh.

Hazel drove the car towards Caleb's restaurant. I looked at the rearview mirror and saw a white faded object at the backseat. Napailing na lang ako. Malabo siya sa salamin pero malinaw naman siya kapag tinignan ko siya.

I sighed. Ito ang kaluluwa na palaging nakasunod kay Caleb kaya naman hindi ko alam kung siya ang namatay na asawa ni Caleb o kapatid ito ng lalaki? Hindi niya ala. Ayaw naman niyang tanungin si Caleb dahil baka sabihin pa nito na pakialamero siya sa buhay nito.

Nang makarating sila sa restaurant ni Caleb, sabay silang bumaba ng kotse. Nagpasalamat si Caleb sa kaniya at walang lingon-lingon na deretsong pumasok ito sa loob ng restaurant nito.

Napailing na lang si Hazel. Mas lalo lang siyang napailing nang maramdaman niyang mabilis ang pagtibok ng puso niya. Mukhang tama nga ang sinabi sa kaniya ng matanda sa araw na 'yon na makikita niya ang magiging asawa niya sa araw na 'yon and it so happen that she saw Caleb.

Hazel chuckled to herself and walked towards the restaurant.

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon