CHAPTER 22

485 29 1
                                        

HAZEL leaned on the door's frame. She crossed her arms over her chest. Tumingin siya kay Caleb na kasalukuyang nagluluto. Noong nakaraang araw pa niya napapansin na may malalim na iniisip si Caleb. Napabuntong hininga siya at lumapit sa asawa niya. Niyakap niya ito mula sa likuran.

"May problema ka ba?" tanong niya kay Caleb.

Caleb sighed. Pinatay nito ang stove at humarap kay Hazel. Ipinalibot niya ang braso sa beywang ni Hazel. "Sophia's second death anniversary is approaching. Ahmm, I wanted to visit her grave."

"In the province?" Hazel asked.

Tumango si Caleb. "Yes."

Ngumiti si Hazel. "Okay."

Napakurap si Caleb. "You're really letting me go to the province?"

Tumango si Hazel at ngumiti. Hinalikan niya sa labi ang asawa. "Of course. I know that Sophia is a good woman and she has a special place in your heart. Wala akong karapatan na pigilan ka upang dalawin siya. You can go and visit her."

Ngumiti si Caleb. "Thanks, Hon. Hindi ka ba sasama?"

"Bakit? Gusto mo ba akong isama?" Nakangiting tanong ni Hazel.

"Of course, you're my wife. Ayaw naman kitang iwan na mag-isa dito. Na-trauma na ako."

Kumunot ang nuo ni Hazel. "What do you mean?"

Caleb sighed deeply. Muli niyang hinarap ang niluluto niya. "Sophia was murdered and raped. Iniwan ko siya sa bahay noon at pagbalik ko isa na siyang malamig na bangkay. At hanggang ngayon wala pang hustisya sa pagkamatay niya at hindi pa nahuhuli ang pumatay sa kaniya." Kumuyom ang kamay niya.

Hinawakan naman ni Hazel ang nakakuyom na kamay ni Caleb. Nginitian niya. "Sasama ako sa 'yo sa probinsiya."

Ngumiti si Caleb. "Thank you. I want to show you the place where I was born. You won't get bored there. There are many tourist attraction to visit."

Tumango si Hazel at umupo sa stool. "It's been a long time since I inhaled a fresh air."

"Then don't let this opportunity pass, Honey." Caleb winked.

"Of course," Hazel said happily, "I will file a leave in my work."

And maybe she can do something for Sophia's case. If she will have the chance she will reopen her case to investigate her death. As long as there's a trace, there's a glim of hope na malalaman nila kung sino ang pumatay rito. Alam niyang napahirapan si Sophia bago namatay dahil noong nagpapakita ito noon sa kaniya, duguan ang damit nito.

Hazel sighed. Natigilan siya nang makita niya si Sophia na nakatayo sa pintuan ng kusina. Nakatingin lang ito sa kanila ni Caleb. Ngumiti si Hazel at nakatanggap siya ng tipid na ngiti mula kay Sophia. Mas lalo siyang natigilan. Naglaho si Sophia.

Napansin naman ni Caleb na nakatingin ang asawa niya sa may pintuan. Alam niyang may nakita na naman itong kaluluwa. Napailing na lang siya saka ito sinubuan ng pagkain. Nabaling sa kaniya ang atensiyon nito.

"May nakita ka na naman," sabi ni Caleb.

Ngumiti lang si Hazel. "She's here but she immediately disappeared."

Tipid na ngumiti si Caleb. "Hayaan mo na. Baka dumalaw lang." Sanay na siya sa kay Hazel. Nasanay na rin siya na may kakayahan itong makakita ng mga namayapa na. Pero hindi niya alam kung blessing ba o sumpa ang kakayahan nito dahil minsan hindi niya ring maiwasang mangilabot.

Minsan kasi bigla na lang lalamig ang paligid nila o di kaya minsan ay lalakas ang hangin. Hindi niya alam kung natural lang ba ang mga 'yon o hindi. Hindi na lang niya pinapansin. Huminga siya ng malalim at tumingin kay Hazel. Eksakto naman na pumasok si Clarence sa loob ng kusina.

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon