CHAPTER 6

599 34 3
                                        

HUMINGA ng malalim si Hazel bago siya pumasok sa loob ng sementeryo. Nakita niya ang mga kaluluwang palakad-lakad at ang mga kaluluwang nasa itaas ng mga nitso. Naririnig rin niya ang panaghoy ng mga ito. Ipinikit niya ang mata at hindi na lang pinansin ang mga kaluluwa. Naglakad patungo sa puntod ng mga magulang niya.

Napabuntong-hininga si Hazel at inilagay sa ibabaw ng dalawang puntod ang dala niyang bulaklak.

"Ma, Pa, pasensiya na po. Ngayon lang po ako nakadalaw sa inyo. Busy po kasi ako sa trabaho." Aniya.

Dating mayor ang ama ni Hazel, pinatay ito kasama ang kaniyang ina ng pauwi na ang mga ito galing sa dinaluhan ng mga itong party ng isang gabi. Tinambangan ang convoy at doon sila pinatay. Ito ang dahilan kung bakit naging pulis si Hazel. Gusto niyang makuha ang hustisya para sa mga magulang niya at nakuha naman niya ito nang maging pulis siya dahil siya mismo ang nagbukas sa kaso ng kaniyang mga magulang.

Hazel wanted to help other people. Gusto niyang tulungan ang mga taong mahirap makakuha ng hustisya kahit pa sa trabaho niya, palaging nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya. Pero sanay na siya. Wala namang iiyak kung sakaling mamatay siya. Wala naman siyang kapatid o kamag-anak na iiwan niya kung sakali.

Napatitig muli siya sa puntod ng mga magulang niya. Nakikita niya ang kaluluwa ng iba pero hindi man lang niya nakita ang kaluluwa ng mga namayapa niyang magulang. Life is really unfair. Hiniling niya na sana makit niya ang kaluluwa ng mga magulang niya pero hindi ito nangyari. Hindi pinagbigyan ang hiling niya.

Napailing si Hazel at nagtagal pa sa sementeryo ng ilang minuto bago niya napagdesiyunang umalis pero natigilan siya dahil sa pagharap niya sa kaniyang likuran. Naroon ang mga kaluluwa at nakatingin sa kaniya. Kahit pa hindi na ito bago kay Hazel, nagulat pa rin siya.

Huminga siya ng malalim, "hindi ako natatakot sa inyo kaya pwede bang tumabi kayo!" Aniya sa mga ito.

Pero hindi ang mga ito umalis. Nanatili ang mga itong nakatingin sa kaniya kaya naman napailing si Hazel at iniwasan na lang ang mga kaluluwang nakikita niya. Alam niyang tatagos lang ang mga ito sa kaniya kapag binangga niya ang mga ito pero ayaw naman niyang magalit ang mga ito kaya mas magandang umiwas na lang siya.

Lumabas siya ng sementeryo at nagtungo sa kinaparadahan ng kotse niya.

Binuksan ni Hazel ang pinto ng kotse.

"Shit!" Mura niya dahil sa nakita niya sa loob ng kotse niya.

Hazel closed her eyes and composed herself.

"Umalis nga kayo rito sa kotse ko." Sabi niya sa mga kaluluwa.

Pero nakatingin lang sa kaniya ang mga kaluluwa. Napailing si Hazel.

"Paalisin niyo naman ako, oh. At tigilan niyo na rin ako."

Pero wala pa rin.

Napabuga na lang ng hangin si Hazel at papasok na sana sa loob ng kotse nang may biglang humawak sa balikat niya. Mabilis na hinawakan ni Hazel ang kamay na nakalagay sa balikat niya at humarap sa taong nagmamay-ari nito.

Isang matandang babae. Mabilis na binitawan ni Hazel ang kamay ng matandang babae. "Sorry po."

Ngumiti ang matandang babae, "ayos ka lang ba, hija?"

Ngumiti si Hazel, "opo."

"Mukhang hindi e. Para kang may kinakausap kaya nilapitan kita." Ani ng matandang babae.

Tumingin si Hazel sa loob ng kotse. Naroon pa rin ang mga kaluluwa at nakaupo sa loob ng kotse. Ibinalik niya ang tingin sa matanda at umiling, "wala po akong kinakausap. Ang sarili ko po ang kinakausap ko."

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon