CHAPTER 23

400 34 0
                                    

TINIGNAN ni Hazel ang malaking bahay na nasa harapan niya. Luma na ito pero halatang napa-renovate. Napalunok siya. Nasa labas pa lang siya pero nararamdaman na niya ang lamig na bumabalot sa kaniya. Mukhang maraming mga kaluluwa ang nasa loob ng bahay na 'yan. Bumuntong hininga siya at humawak sa braso ni Caleb.

"Bakit?" tanong sa kaniya ni Caleb.

Umiling siya. "Wala naman. May naisip lang ako." Hinawakan niya ang kamay ni Clarence.

Ngumiti si Caleb at hinawakan ang pisngi ni Hazel. "Don't worry, wala namang multo sa loob."

"Ako pang niloko mo." Hazel rolled her eyes.

Caleb chuckled.

Napatingin sila sa main door nang bumukas ito at lumabas ang isang babae.

"Kuya!" Nagmamadaling lumapit sa kanila ang babae.

"Kumusta, Neth?" tanong ni Caleb sa babae.

"Okay lang, Kuya. Hi, Clarence." Ginulo niya ang buhok ni Clarence. "Tumangkad ka. Hindi ka na katulad ng dati na sobrang liit." Natatawang saad ni Neth. Yumakap lang naman si Clarence sa hit ani Hazel kaya napatingin si Neth kay Hazel. Nagtatakang ibinalik niya ang tingin kay Caleb. "Kuya, sino siya?" tanong niya.

Caleb looked at Hazel. Hinawakan niya ang kamay ni Hazel. "She is my wife. Hazel Garcia."

Mabilis naman na napatingin si Neth sa magkahawak na kamay ng dalawa. Napatango siya at napangiti. "Oh. Congrats."

"Thanks."

"Hon, this is Neth. Ang caretaker ng bahay na 'to."

Ngumiti si Hazel. "Nice to meet you." Inilahad niya ang kamay at tinanggap naman ni Neth ang pakikipagkamay niya.

Ngumiti si Neth. "Pasok kayo, Kuya. Clarence, mauna na tayo." Aya niya sa bata. Sumunod naman si Clarence kay Neth. Nauna na ang mga itong pumasok sa loob ng bahay.

Pero biglang natigilan si Hazel nang mapatingin siya sa bintana na nasa ikalawang palapag. Bahagyang nanlaki ang mata niya nang makita na naroon si Sophia at nakadungaw. Nakatingin ito sa kanila. Hazel sighed. Hindi niya inalis ang tingin kay Sophia at hindi rin ito inalis ang tingin sa kaniya.

"Hon, let's get inside," Caleb said. Kumunot ang nuo niya nang makitang nakatingin ang asawa niya sa second-floor ng bahay na parang may tinitignan. Huminga siya ng malalim at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ni Hazel.

Pumasok sila sa loob ng bahay pero nasa pintuan pa lang si Hazel, sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin. Naipikit niya ang kaniyang mata. Nakaramdam siya ng panlalamig. Huminga siya ng malalim at sumunod kay Caleb. Napatingin siya sa kabuuan ng bahay, there were old furniture that was displayed but it seemed that it is newly furnished again.

Kahit alam ni Hazel na may mga kaluluwa sa loob ng bahay, hindi niya pa ring maiwasang makaramdam ng kilabot dahil sa nakita niyang mga kaluluwa na nasa loob ng bahay. Napatingin siya sa itaas ng hagdan at nakita niya doon si Sophia. Nakatayo ito doon at nakangiti sa kaniya.

"Hon, are you okay?" Caleb asked her.

Umiling siya. "Caleb, ang dami nila."

Kumunot ang nuo ni Caleb. "What?"

"Ang dami nilang kaluluwa na nandito. Ayaw ko na," sabi ni Hazel.

"Just relax. Just think that they are not here."

Umiling si Hazel. "Hindi ako komportable lalo na at nakikita ko ang mga duguan nilang katawan."

Caleb sighed. Niyakap niya ang asawa niya at hinaplos ang likod ng ulo nito. "It's okay."

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon