CHAPTER 7

590 30 1
                                        

HABANG KUMAKAIN ng lunch. Napansin ni Caleb na panay ang tingin ni Hazel sa bakanteng upuan sa tabi niya. Kumunot ang nuo ni Caleb. Wala namang nakaupo sa upuan na nasa tabi niya kaya ano ang tinitignan ni Hazel?

"Hazel, okay ka lang?" Tanong niya sa dalaga.

Napakurap naman ang dalaga at napatingin sa kaniya. "Ha?"

Mas lalong kumunot ang nuo ni Caleb. "Are you really okay?"

Ngumiti si Hazel. "Oo, okay lang ako, ano ka ba? Huwag mo na lang akong pansinin."

Pinilit ni Hazel na huwag pansinin ang kaluluwa ng babae na nakaupo sa tabi ni Caleb. Nakatingin na lang kasi ito sa kaniya na parang may gusto itong sabihin. Hindi niya ito kilala pero sa tingin may koneksiyon ito kay Caleb. Ayaw naman niyang kausapin ang kaluluwa dahil baka isipan ni Caleb na nababaliw na siya.

Itinuloy na lang ni Hazel ang pagkain at napatingin kay Clarence na pilit inaabot ang baso na may lamang tubig. Kinuha ni Hazel ang baso na may lamang tubig na inaabot ni Clarence.

"Here." Inilapit ni Hazel ang baso sa bibig ng bata at pinainom ito ng tubig.

Napatitig si Caleb kay Hazel na inaasikaso ang anak niya.

"Thank you po, Tita."

Ngumiti si Hazel at hinaplos ang buhok ni Clarence. "Kumain ka na."

Nakangiting nagpatuloy ang bata sa pagkain nito. Wala sa sariling napatingin si Hazel kay Caleb, natigilan siya nang makitang nakatingin ito sa kaniya.

"Bakit?" Tanong ni Hazel.

Umiling si Caleb at itinuon ang atensiyon sa pagkain.   Huminga siya ng malalim at natigilan nang maramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

Uh-oh. Mukhang hindi 'to maganda. Sabi ni Caleb.

Habang si Hazel naman ay napatingin sa kaluluwa ng babae na wala na sa upuan sa tabi ni Caleb. Nabigla siya nang bigla na lang itong nasa tabi niya at ipinatong ang kamay nito sa balikat niya. Naramdaman ni Hazel ang lamig na dumapo sa balikat niya. Napalunok siya at mabilis na tumayo.

"Restroom lang ako." Hazel excused herself and went to the restroom.

Nang makapasok siya sa loob. Humarap siya sa sink at kaagad na naghilamos. Tumingin siya sa salamin. Napaatras bigla si Hazel nang makita ang kaluluwa ng babae sa salamin. Sanay na siyang makakita ng mga kaluluwa. Pero iba pa rin kapag binibigla siya. Talagang nagugulat siya. Huminga ng malalim si Hazel, "sino ka?" Tanong niya sa kaluluwa.

Wala siyang kasama sa loob ng restroom kaya pwede niyang kausapin ang kaluluwa. Hindi nagsalita ang kaluluwa at nakatingin lang ito sa kaniya.

Napabuga ng hangin si Hazel at napailing. Wala siyang magagawa kung ayaw magsalita ng babae. Nagulat si Hazel nang biglang nagbago ang hitsura ng babae. Naging duguan ang mukha at ang damit nito.

Hazel closed her eyes. Pinunasan niya ang mukha at lumabas ng banyo. Baka sa susundod ay hindi na niya kakayanin ang sunod niyang makikita. Bumalik sa kinaroroonan ni Caleb at Clarence.

"You okay?" Tanong ni Caleb nang mapansin ang pamumutla ni Hazel.

Tumango si Hazel, "oo, okay lang ako." Napabuga siya ng hangin.

"Tita, para ka pong nakakita ng multo." Sabi ni Clarence.

Ngumiti lang si Hazel. Alam niyang binibiro siya ng bata pero totoo naman ang sinabi nito. She sighed and looked at Clarence. "Thanks for the lunch."

"Don't mention it." Ngumiti si Caleb. "Gusto lang kitang pasalamatan dahil tinulungan mo ang anak ko."

Tumango si Hazel. "Pasensiya na pero kailangan ko ng umalis. May kailangan pa kasi akong puntahan."

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon