CHAPTER 8

525 30 1
                                    

SOBRANG busy ni Hazel sa trabaho. Dahil sa sobrang busy niya sa trabaho, isang beses sa isang araw na lang siya kung kumain. Marami siyang mga inaasikaso lalo na at sunod-sunod ang mga patayan na nagaganap at ang lalong nagpapagod pa sa kaniya ay ang kaluluwa ng mga biktima. Siya ang kinukulit ng mga ito. Napabuga ng hangin si Hazel saka napailing.

Nagpasalamat na lang si Hazel nang sa wakas ay makakauwi na siya upang magpahinga pero natigilan siya nang makapasok siya sa loob ng kotse niya at makita ang isang kaluluwa ng isang babae na nakaupo sa backseat ng kotse niya.

Kung tama ang pagkakatanda niya, ang kaluluwa na nasa backseat ng kotse niya ay ang kaluluwa na laging nakasunod kay Caleb.

And speaking of Caleb Asuncion. Kumusta rin kaya ito? Napailing si Hazel. Ano ba 'tong mga pinag-iisip niya? Napabuga ng hangin si Hazel at pinaandar ang makina ng kotse. Hindi na lang niya pinansin ang kaluluwa na nasa backseat ng kotse niya.

Baka mawawala rin ito mamaya. Sabi na nga. Aalis rin ito pero napasinghap si Hazel nang nasa tabi na niya ang kaluluwa. Gusto niyang iuntog ang ulo sa manibela.

Sa totoo lang, bakit pa kasi siya binigyan ng ganitong kakayahan? Ang makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na.

Malalim na napabuntonghininga si Hazel at pinaharurot ang kotse. Hanggang sa makarating siya sa bahay, nakasunod pa rin sa kaniya ang kaluluwa.

Napabuga ng hangin si Hazel at pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Nagpasalamat na lang siya na hindi na sumunod ang kaluluwa.

Pero napaisip siya, sino kaya ang kaluluwa na 'yon? Ano ang relasyon nito kay Caleb?

Napailing si Hazel at pumasok na sa kaniyang kwarto upang magpahinga. Kaya naman kinabukasan, lunch time, kasama si Sergeant Manzano nagtungo sila sa restaurant ni Caleb upang doon kumain.

Pasimpleng tinitignan ni Hazel ang loob ng restaurant. Hinahanap niya ang kaluluwang sumusunod sa kaniya pero hindi niya ito makita.

"Captain, okay lang kayo? Parang may hinahanap kayo?" Sabi ni Sergeant Manzano.

"Wala naman." Pag-iling ni Hazel at nagpatuloy sa pagkain.

Eksaktong lumabas naman ng pribadong opisina si Caleb. Nakita niya si Hazel na kumakain kasama ang kapwa nitong pulis. Kumunot ang nuo niya.

"Why am I feeling this?" He asked himself.

Does he feel jealous? Seeing Hazel with another man. Now he's confused. Ano naman ngayon kung may kasama si Hazel? Bakit naman siya nakakaramdam ng selos? Hindi naman sila ni Hazel.

Napabuga ng hangin si Caleb at pumasok na lang sa kusina. Hindi nakita ni Caleb na napatingin sa kaniya si Hazel. Nakita na naman ni Hazel ang kaluluwa na laging nakasunod kay Caleb.

Kay Caleb talaga siya sumusunod. Wika ni Hazel. Sino ba siya?

Saka lang naalala ni Hazel na sinabi ni Clarence na patay na ang Mommy nito. Could it be? Ang kaluluwa ng babaeng 'yon ay ang ina ni Clarence.

Hazel sighed and shook her head. Kung sakaling 'yon nga ang ina ni Clarence, bakit ito nagpapakita sa kaniya? Bakit ito sumusunod sa kaniya? Ano ang gusto nitong ipahiwatig?

"Cap, okay lang ba talaga kayo?" Tanong ni Sergeant Manzano.

Wala sa sariling tumango si Hazel at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos silang kumain bumalik na sila sa presinto.

Kahit anong gawin niya ay hindi talaga mawala sa isipan niya ang kaluluwa ng babaeng sumunod sa kaniya kahapon. Ano ang relasyon nito kay Caleb?

Paano kaya kung tanungin niya si Caleb?

Pero baka sabihin pa ng lalaki na nababaliw na siya at kailangan niyang magpa-mental. Hazel sighed and shook her head. Mababaliw nga yata siya talaga dahil sa mga nangyayari sa kaniya.

May mga bagay siyang nakikita na hindi nakikita ng ibang tao sa paligid niya. Kaya minsan hindi na lang siya nagsasalita at hinahayaan na lang ang mga ito.

Hinilot ni Hazel ang sariling sentido.

Kaya naman nang matapos ang office hours, nagboluntaryo siyang maiwan sa presinto. Siguro maaga na lang siyang uuwi bukas para maligo at magbihis.

Nasa loob ng opisina ni Hazel nang maramdaman na naman niya ang malamig na hangin na parang nakayakap sa kaniya. Nagulat pa siya ng biglang bumukas ang computer na nasa tabi niya.

Malalim na napabuntonghininga si Hazel saka ipinikit ang mata.

"Pwede bang magpakita ka na lang. Huwag ka ng manakot pa. Hindi ako natatakot sa 'yo." Aniya.

Hazel opened her eyes and saw a woman sitting on the visitor's chair. Duguan ang damit nito. Ito ang kaluluwa ng babaeng sumusunod sa kaniya kahapon at ito rin ang kaluluwa na palaging nakasunod kay Caleb.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya.

Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa kaniya.

Napailing si Hazel. "Oo, nakikita kita." Aniya dahil baka iniisip ng kaluluwang nasa harapan niya na baka nagloloko lang siya.

Nang hindi pa rin nagsalita ang babae, tumayo si Hazel, kinuha ang bag at lumabas ng sariling opisina. Nilingon niya ang opisina, mula sa pinto ay lumusot ang babae.

Nagtungo si Hazel sa lobby. Nakita naman niya ang isang kasamahan na abala sa harapan ng computer nito. Mga kapareho niyang nagpaiwan sa presinto para tapusin ang trabaho.

Hazel looked at her phone when she felt that it vibrated. One of her comrades is calling.

"Yes?"

"Captain, we need you here. May homicide po tayo."

"Oh. Okay. Papunta na ako. Send me the exact location."

"Yes, Captain."

Nagmamadaling lumabas ng presinto si Hazel at tinungo ang kinaroroonan ng kotse. She climbed into her car and started the engine. Hindi na siya nagulat nang makita na naman ang babaeng sumusunod na nasa backseat ng kotse niya, hindi na lang niya ito pinansin at mabilis niyang pinaharurot ang kotse patungo sa location na sinend sa kaniya ng kasamahan niya.

When she arrived at the place, kaagad siyang bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng bahay.

"Captain." Pagbati ng mga kasamahan niya.

Tinanguan naman niya ang mga ito. Tinignan niya ang bangkay. Puno ito ng saksak sa katawan at naliligo na ito sa sarili nitong dugo.

"Any lead of the suspect?"

Umiling ang mga kasamahan niya. "Nothing, Captain. No fingerprints. No leads."

Tumango si Hazel. "If there are no fingerprints, then he, maybe, left a trace." Aniya.

Tumingin siya sa paligid.

Habang tinitignan ni Hazel ang kusina, biglang nahulog ang isang baso. Malakas siyang napasinghap at napaatras nang biglang may duguang kaluluwa ang lumitaw sa harapan niya.

"Captain, okay lang kayo?" Tanong sa kaniya ni Miguel.

Huminga ng malalim si Hazel bago tumango. "I'm okay. Ask the investigative team to gather all the leads. I'm just going outside."

Nagmamadaling lumabas si Hazel ng bahay. Nagtataka naman si Miguel na nakatingin kay Hazel. Para kasing nakakita ng multo si Captain Garcia dahil namumutla ito.

Nakahinga ng maluwang si Hazel nang makalabas siya ng bahay. Akala niya sanay na siya na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na pero hindi pa pala dahil nagugulat pa rin siya kapag bigla na lang ang mga itong magpakita sa harapan niya.

Hazel sighed.

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon