CALEB and Hazel enjoy every time they are together. Yes, they are dating. Habang tumatagal, mas lalong nahuhulog ang loob nila sa isa't-isa. Mas lalo na si Caleb na talagang sinusubukang kalimutan ang nakaraan and he's looking forward for the future. Mas lalo namang napalapit si Clarence kay Hazel at minsan sa bahay na ni Hazel natutulog si Clarence. Only Clarence, Caleb is not allowed to stay in Hazel's house.
It's been five months since they started dating. And yes, Caleb is courting Hazel. As for Hazel, wala pa sa isip niya na sagutin si Caleb dahil may isa siyang iniisip. Si Sophia, hindi na ito nagpakita sa kaniya. Matagal na at hindi niya alam kung bakit pero sa tingin, Sophia already gave her blessings to them. She hoped.
Napabuntong hininga si Hazel habang nakaupo siya sa sofa at nakasandal. Nakatitig siya sa kisame habang binibilang ang mga butiking dumadaan pero wala namang dumaan na butiki. Ipinikit niya ang kaniyang mata.
Her relationship with Caleb is good. She's thinking kung sasagutin na ba niya ang binata, but she never heard of him saying the magic word. Iyon lang naman ang hinihintay niyang sabihin nito para sagutin niya ito. Masaya naman kasama si Caleb lalo na kapag mayroon si Clarence. Actually, sa lahat ng date nila ay kasama nila ang bata.
Hazel admit that she already fell in love with Caleb. She sighed. Pero may isa pa siyang pinoproblema, hindi niya alam kung papaano niya sasabihin kay Caleb na nakakakita siya ng mga kaluluwa ng mga namayapa na o ang mga tinatawag na multo. She was once judge of being a weird because of her ability. Will Caleb will judge her too?
Malalim na napabuntong hininga si Hazel at napailing. Nagmulat siya ng mata at nagulat siya saka nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang may nakaharap sa kaniyang multo. She looked at the clock. It's already six in the evening and every time like this, may mga nagpapakita sa kaniyang mga multo. Umayos siya sa pagkakaupo nang makabawi siya sa pagkabigla. Nagkatitigan silang dalawa ng kaluluwa hanggang sa unti-unting nagbago ang anyo nito, naging duguan ang puti nitong damit pati na ang mukha nito.
Hazel closed her eyes. She's already used to this. Pero minsan, nakakaramdam rin siya ng kilabot tuwing nakakita siya ng mga kaluluwang may nakakatakot na anyo. Isa siyang pulis at normal na sa kaniya ang makakita ng mga patay na katawan pero hindi niya, iba sa kaniya ang dating ng mga kaluluwa. Kung bangkay ang nakikita niya, wala siyang maramdamang kilabot pero iba talaga kung kaluluwa.
Nagmulat nang mata si Hazel nang marinig niyang tumunog ang doorbell ng bahay niya. Kumunot ang nuo niya at tumayo. Sino naman kaya ang pupunta sa bahay niya sa ganitong oras?
Hazel automatically smiled when a person came in her mind. Napailing siya at naglakad patungo sa pinto. Sinilip niya sa peep hole kung sino ang tao sa labas at hindi nga siya nagkamali nang makita ito.
Binuksan niya ang pinto.
"Mommy!"
Hazel chuckled. "Hi there, Baby." Bati niya sa bata. Ginulo niya ang buhok nito. Tumingin siya kay Caleb at nakitang nakatingin ito sa kaniya ng may buong pagsuyo.
"I know you're tired from work and didn't have time to cook so Clarence wanted to brought you foods." Sabi ni Caleb.
"Idea lang ba ni Clarence o ikaw mismo?" Nakangising tanong ni Hazel.
"Si Daddy lang po." Sabi ni Clarence. At talagang binuking nito ang sarili nitong ama.
Natawa si Hazel at binuhat si Clarence. "Come in." Sabi niya kay Caleb.
Ngumiti si Caleb at pumasok sa loob ng bahay ni Hazel. Nagtungo silang tatlo sa kusina.
Gumalaw si Caleb sa kusina na parang sarili na niyang bahay. Well, Hazel said it. She told him to just feel at home so he did. Hazel just let him use the kitchen while her and Clarence is playing.

BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...