NAGULAT si Hazel nang makita si Caleb na nakapagupit. Mahaba kasi ang buhok niya dati at may stubbles pa siya pero ngayon malinis na itong tignan at parang lumiwanag pa ang mukha nito. At mas lalo pang nakita ang gandang lalaki nito. Alam niyang gwapo naman talaga si Caleb pero hindi niya akalain na mas gwapo pala ito kapag nagupitan.
"Anong meron?" Natatawang sabi ni Hazel. "New look." Sabi niya.
Ngumiti si Caleb. "New life." Anito.
Napailing si Hazel. "Ganun ba?"
"Yeah."
Hazel smiled. "Si Clarence?" Tanong niya.
"Nasa loob ng opisina ko. Halika ka. Kanina ka pa niya hinihintay." Sabi ni Caleb.
"Okay."
Sumunod si Hazel kay Caleb at pumasok sila sa loob ng opisina nito. Nakita naman kaagad ni Hazel si Clarence na nakaupo sa swivel na parang ito ang Boss saka nakaharap sa laptop nito.
Napangiti si Hazel at kaagad na lumapit kay Clarence.
"Mommy, you're here." Masayang sabi ni Clarence at mabilis na bumaba sa kinauupuan nito. Yumakap ito sa kaniya.
Natawa na lang si Hazel. "What are you doing?" Tanong niya sa bata.
"Playing games, Mommy."
Tumikhim si Caleb para kunin ang atensiyon ng dalawa. "Sa kusina lang ako. Tutulong lang ako doon."
Tumango lang si Hazel at muling humarap kay Clarence.
Napailing na lang si Caleb dahil mukhang nakalimutan na siya ng anak niya. He sighed and went to the kitchen.
Naiwan naman si Hazel at Clarence sa loob ng opisina ni Caleb. Hazel asked Clarence what he wanted to do and the kid just answered her to play scrabble. Kahit matanda na siya alam pa naman niya ang larong scrabble na lagi niyang nilalaro noong bata siya. Ang ama nga niya ang lagi niyang kalaro noon. Tinutulungan naman siya ng kaniyang ina na bumuo ng words kaya laging talo ang kaniyang ama. Two versus one. At palaging nagrereklamo ang kaniyang ama na pinagtutulungan nila ito ng kaniyang ina. Napangiti na lang siya habang naalala ang mga araw na kasama niya pa ang kaniyang mga magulang.
Naramdaman ni Hazel na may malamig na nakahawak sa kaniyang braso pero hindi na niya tinignan kung sino ang nakahawak sa kaniya dahil alam niyang si Sophia 'yon. Sino pa ba ang magpapakita sa kaniya kung hindi ito lang. Napailing siya at nakipaglaro kay Clarence. She enjoyed her time playing with Clarence. Habang naglalaro silang dalawa, napatingin siya sa likuran ni Clarence nang may umupo doon na kaluluwa. Si Sophia.
"Mommy." Sabi ni Clarence.
Hindi siya nagsalita dahil nandoon si Sophia at nakatingin pa ito sa kaniya kaya nagtinginan silang dalawa. Alam niyang wala ng magagawa pa ang mga multo at hindi na sila makakapanakit dahil mga multo na sila pero iba pa rin kapag nakikita mo ang isang kaluluwa at nakatingin pa sa 'yo ng deretso. Para ngang nakakatakot ng gumalaw.
"Mommy!"
Napakurap si Hazel at napatingin kay Clarence nang bigla nitong hilain ang kamay niya.
"Yes, Baby?" Tanong niya.
"Kayo na po." Sabi ni Clarence kaya naman napatingin ako sa scrabble board.
Kaagad naman siyang naglagay ng word na nabuo niya. Nagpatuloy sila sa paglalaro. But Hazel didn't feel comfortable at all. Well, sino ba naman ang magiging komportable kung may kasama kang multo sa loob ng kwarto lalo na at malalim ang koneksiyon nito sa batang kasama niya.
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)