NAKATINGIN lang si Caleb kay Hazel habang nakikipag-usap ito kay Clarence. Hindi niya maalis ang tingin niya sa dalaga. Ito ang pangalawang beses na nakita niya si Hazel na parang may kinakausap pero wala naman siyang nakitang kausap nito. Napabuntong hininga siya at tumayo.
"Hazel, thank you for helping me. But you can go home now and rest." Sabi niya sa dalaga.
Tumingin sa kaniya si Hazel pero napansin niyang wala sa kaniya ang sentro ng tingin nito kundi sa likuran niya. He looked at his back but there's no one there.
"What are you looking at my back?" Tanong ni Caleb sa dalaga.
Umiling si Hazel at tinignan siya nito sa mata. "Nothing. Mukhang kailangan ko na ngang umuwi at magpahinga."
Tumayo si Hazel at nagpaalam kay Clarence. "Aalis na ako, Baby. Babalik na lang siguro ako dito bukas."
Mabilis na hinawakan ng bata ang kamay niya. "Mommy." Sambit nito.
Nanlaki ang mata ni Hazel.
Nagulat naman si Caleb.
Nagkatinginan si Hazel at Caleb.
Hazel looked at Clarence. "Baby, I'm not your Mommy." Sabi niya sa bata.
Bumangon ang bata. "But I want you to be my mommy."
Napakurap si Hazel. Para kasing may pumiga sa puso niya nang makita niyang naluluha ang bata. Ngumiti siya at umupo sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan nito. Pasimple siyang tumingin sa kaniyang likuran para tignan kung naroon ang babaeng palaging nakasunod sa kaniya pero wala ito. She looked at Caleb. Nakita niyang nasa likuran ni Caleb ang kaluluwa ng babae. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at ibinalik ang atensiyon kay Clarence pero natigilan siya nang hawakan nito ang mukha niya.
Ngumiti si Clarence. "Mommy."
Napakurap si Hazel. "Clarence, I'm not your Mommy." Malumanay niyang saad sa bata.
Doon na lumapit si Caleb. "Kiddo, she's your Tita Hazel—"
"She is my mommy!" Sigaw bigla ni Clarence at nagsimula ng magwala.
Pinipigilan naman si Caleb ang anak nito pero gusto ni Clarence ang yumakap kay Hazel. Napansin ni Hazel na gustong yumakap sa kaniya si Clarence kaya hinawakan niya ang braso ni Caleb.
"It's okay." Sabi ni Hazel kay Caleb.
Binitawan naman ni Caleb si Clarence at hinayaan itong yumakap kay Hazel. Hinaplos ni Hazel ang likuran ng bata.
"It's okay." Sabi ni Hazel habang hinahaplos ang likuran ng bata.
"Mommy, don't leave me." Pagmamakaawa ni Clarence.
Caleb felt like someone gripped his heart when he saw his son with tears begging Hazel not to leave him. He sighed.
Nakaramdam naman si Hazel nang parang may kung anong humaplos sa puso niya nang tawagin siyang Mommy ni Clarence. Masaya siya na tawagin siya nitong Mommy. Napailing siya. Patuloy lang siya sa paghaplos sa likuran ni Clarence hanggang sa makatulog ito. At nang makatulog ito, hiniga niya ito sa hospital bed at kinumutan. Tumingin siya kay Caleb at nakita niyang nakatingin rin pala ito sa kaniya.
"What's the matter?" Hazel asked.
Umiling si Caleb. "Nothing."
Ngumiti si Hazel at lumipat ng upo sa sofa. Umupo siya sa tabi ni Caleb.
"Nakasama lang ni Clarence ang mommy niya ng tatlong taon." Sabi ni Caleb na ikinatingin ni Hazel sa lalaki.
" Three years?"
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)