NANG magising si Hazel kinabukasan, nagulat siya nang makitang nasa tabi niya si Sophia. Nakapikit ito. Kumunot ang nuo ni Hazel at nagtanong sa mismong sarili. "Natutulog rin ba ang mga kaluluwa?"
Napailing siya. Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya. Wala namang kwenta. Sanay na siya kay Sophia pero hindi siya komportable kapag kasama niya ito. Hello. First wife meet the second wife. Tinignan niya si Sophia saka siya bumangon. Pumunta siya sa banyo. She did her morning routine and took a bath. Nagbihis siya at lumabas ng kwarto. Bumaba siya ng hagdan at pumunta sa kusina. Nadatnan niyang naroon si Clarence at Caleb. Caleb is having coffee while Clarence is having pancake.
"Morning, Hon," bati sa kaniya ni Caleb.
Ngumiti lang siya rito. Hinalikan niya sa nuo ni Clarence. "Morning, Baby."
"Morning, Mommy."
"What's wrong?" Tanong ni Caleb.
Hazel sighed. "I thought last night that when I woke up today, it's you who beside me, but I was wrong."
"Uh?" Nagtaka si Caleb. "What do you mean, Hon?" Tanong niya.
"Si Sophia ang katabi ko."
Muntikang maibuga ni Caleb ang kape na nasa bibig niya. Napaubo siya. He cleared his throat. "What?"
"Luckily, she's not in red or else I will be screaming upon seeing her," sabi ni Hazel.
Nawalan naman ng imik si Caleb. Nang may maalala siya. "Hon, you told me last night that you will go in the police station. Are you sure about it?"
"Yes." Hazel answered seriously.
"You look eager to look for the criminal. May I ask why?" Tanong ni Caleb. He's curious. Bakit gusto ni Hazel na mahuli ang pumatay kay Sophia?
"I don't know." Nagkibit ng balikat si Hazel at umiling. "I just wanted to."
Tumango si Caleb. "Then may I come?"
Ngumiti si Hazel and said, "of course."
"Thanks."
"Your welcome."
Caleb chuckled. He looked at Clarence. "Kiddo, maiwan ka muna dito sa bahay kasama ang Tita Neth mo."
"Saan po kayo pupunta?" Tanong ni Clarence.
"Pupunta kami sa police station."
"Sama po ako."
"Baby, hindi ka pwedeng sumama. Pwedeng sa susunod na lang," malumanay na sabi ni Hazel at ngumiti.
Clarence pouted. "Okay po."
Ngumiti si Hazel at hinaplos ang buhok ni Clarence. "That's my baby. Always listen to me, okay?"
"Okay po."
Napangiti na lang si Caleb habang nakatingin kay Hazel at Clarence. Umangat ang kamay niya at ginulo ang buhok ni Clarence. Nagpatuloy siya sa pagkakape habang nagpatuloy naman sa pagkain si Clarence at nagpasubo pa kay Hazel.
"Neth, iwan namin sa 'yo si Clarence," sabi ni Hazel kay Neth na pumasok ng kusina. Katatapos lang nitong magwalis sa bakuran.
"Sige. Saan kayo pupunta?"
"Sa police station," sagot ni Hazel, "I will inquire about Sophia's case."
Natigilan si Neth at napansin ito ni Hazel. "Bakit?" Hazel asked.
Umiling si Neth saka ngumiti pero nakita ni Hazel na pilit ang ngiti ni Neth. Hindi na lang niya ito pinansin.
"Sige. Ako muna ang bahala kay Clarence."
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)