CHAPTER 28

511 30 0
                                        

CALEB and Hazel went to the previous owner of the house. Hazel just wanted to ask few questions and then she will see what she will do next. Hindi niya alam pero pakiramdam niya hindi lang basta-basta ang kaso ni Sophia. Marami nga ang mga kaluluwa sa bahay na nabili ni Caleb at halos mga babae lahat ang mga ito. Ayon sa nakausap niyang matanda, lahat ng mga babaeng tumira sa bahay na nabili ni Caleb ay pinatay. Now, she's living in that house. It is possible that she's the next target of the killer.

Bumuntong hininga si Hazel habang nakaupo sa passenger seat ng kotse at tinitignan niya ang mga larawan na hawak niya. Sophia was stabbed by tres kantos.

Tres kantos? Mukhang pamilyar 'to sa akin.

Hazel looked at her husband. Alam niyang mahirap at masakit na tanggapin ang pagkamatay ni Sophia pero nakikita naman niya na naka-move on na si Caleb.

"We're here."

Hazel came back to her reverie when she heard Caleb's voice. Tumingin siya sa labas ng sasakyan at nakita niya ang isang malaking bahay. Bumaba silang dalawa ng kotse. Lumapit sa kaniya si Caleb at hinawakan nito ang kamay niya.

"Matagal ko na siyang hindi nakita. Hindi ko alam kung natatandaan pa niya ako," sabi ni Caleb.

Hazel smiled. "Of course. I'm sure na makikilala ka pa rin niya."

Kumunot ang nuo ni Caleb. "How sure are you?"

Umangat ang isang kamay ni Hazel at pinisil ang kaliwang pisngi ng asawa. Ngumisi siya. "Because you're too handsome."

Caleb shook his head. "Puro ka kalokohan."

"Nagsasabi lang ako ng totoo," sabi naman ni Hazel.

"Oo na. Halika na."

Caleb pressed the doorbell at the gate. When they saw no one is coming to open the gate, Hazel pressed it. Twice. Thrice.

"Oh, tama na. Masisira mo na 'yang doorbell," sabi ni Caleb at hinawakan ang kamay ni Hazel.

Hazel looked inside the compound and she saw a woman coming out from the main door. Lumapit ang babae sa gate at binuksan ito.

"Sino kayo? At anong kailangan niyo?"

Ngumiti si Caleb. "Ma'am, it's me. Caleb Asuncion."

Sandaling napatitig ang babae kay Caleb. Nakilala niya ito. "Ikaw pala. Anong kailangan mo?"

Tumikhim si Hazel. "Maaari po ba na sa loob po tayo mag-usap?"

"Sige. Sige. Pumasok na kayong dalawa."

Pumasok naman si Caleb at Hazel.

Isinara ng babae ang gate saka inaya si Hazel at Caleb na pumasok sa loob ng bahay. "Sumunod kayo sa akin sa loob."

Bahagyang napasinghap si Hazel nang makita niyang nakaupo si Sophia sa sofa. Mas nauna pa itong nakarating kaysa sa kanila.

"Maupo kayo."

"Salamat po," sabi ni Hazel nang hindi inaalis ang tingin kay Sophia na nakaupo sa sofa at nakatingin sa kaniya.

"Anong gusto niyong inumin? Juice? Or what?"

Ngumiti si Caleb. "Kahit ano na po, Ma'am."

"Sige. Hintayin niyo ako."

Tumango si Caleb. Tumingin siya kay Hazel at nakita niyang nakatingin ito sa sofa.

"Hon, anong tinitignan mo diyan?" tanong niya.

Tumingin sa kaniya si Hazel. Umiling ito.

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik ang may-ari ng bahay na may dalang meryenda.

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon