CHAPTER 30

563 31 0
                                    

"ALAM mo ba kung saan nakatira ang ama mo?" tanong ni Caleb kay Neth.

Umiling si Neth. "Hindi ko alam, Kuya. Pasensiya na."

Hazel sighed. Hinawakan niya ang kamay ni Caleb. "No hurry. Alam kong siya ang magpapakita sa akin."

"I'm worried."

Hazel smiled at her husband. "I know but don't worry too much. Dadami ang wrinkles mo." Natatawa niyang saad.

Caleb sighed and shook his head. At this moment, his wife can really tell a joke. Pero sanay na siya. Pampagaan na rin ng pakiramdam.

"Hazel, sigurado ka na ba sa plano mong 'to?" tanong ni Neth.

Tumango si Hazel. "Oo."

"Paano kung hindi gagana?"

"Neth, hindi gagana ang plano kung sasabihin mo ito sa ama mo."

Nagbaba ng tingin si Neth. "I don't dare."

"Okay," Hazel said. "Now, let's act according to plan."

Tumango si Caleb. "Be careful."

Ngumiti si Hazel at hinalikan ang pisngi ni Caleb. "I will."

Hinalikan ni Caleb ang nuo ni Hazel saka sila umalis ni Neth. Clarence is staying with Denver. Noong nakaraang araw pa na naroon ang bata. Kailangan nilang unahin ang kaligtasan nito bago sila gumawa ng hakbang pero sa totoo lang kinakabahan si Caleb sa gagawin ni Hazel. May tiwala naman siya sa asawa niya pero hindi pa rin niya maiwasang mag-aalala.

Sumakay si Caleb at Neth ng kotse saka sila lumabas ng compound.

Isang lalaki naman ang nakatago sa gilid ng gate, sa tagong parte. Nang makita niyang nakaalis na ang kotse ni Caleb saka naman siya pumasok sa loob ng compound. Ngumisi siya. Katulad nang nangyari dalawang taon na ang nakakaraan. Mukhang maitutulad ang babaeng naiwan sa loob ng bahay sa dating asawa ng nagmamay-ari ng bahay na 'to. Lumawak ang ngisi ni Ricardo. Binalaan niya noon ang pinagbentahan niya ng bahay na 'to pero hindi ito nakinig kaya naman lahat ng mga mag-asawang tumira sa bahay na 'to, pinatay niya ang mga babae. Lahat ng babae ay manloloko. Hindi pa rin niya makalimutan ang ginawa ng asawa niya at ng lalaki nito. Harap-harapan na niloko siya nito. Kumuyom ang kamay niya at nakaramdam siya ng galit.

Hazel is looking at Sophia's diary. This diary was her lead to reopen the case of Sophia. This diary helps her a lot. She sighed. Inilapag niya ito sa kama. Nagulat siya at napasinghap nang bigla na lang lumitaw si Sophia sa harapan niya. Kumunot ang nuo niya nang makita ang nag-aalala nitong mukha. Ngumiti siya.

"I'll be fine."

Umiling si Sophia.

"Sophia, I don't have any other choice. Kailangan ko 'tong gawin para mahuli ang taong pumatay sa 'yo. I won't be at peace if he is free to lurk around," seryoso niyang saad.

Tumingin si Sophia sa pintuan ng kwarto.

Tumayo si Hazel at lumapit sa pinto ng kwarto. Binuksan niya ito at tumingin siya sa paligid. Sobrang tahimik ng bahay na para bang may dumaang anghel. Huminga siya ng malalim at lumabas ng kwarto. Bumaba siya sa hagdan. Naramdaman niyang may tao sa loob ng bahay. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

"You're here." Aniya.

Natigilan si Ricardo nang marinig ang sinabi ni Hazel. Kumunot ang nuo niya. Inaasahan ba niya ako?

"I'm expecting you, Ricardo Guillermo. Show yourself now," sabi ni Hazel.

Tumaas ang sulok ng labi ni Ricardo. Mukhang kilala na siya nito.

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon