One Month Later...
HAZEL always eats at Caleb's restaurant with her comrades, kaya naman palagi niyang nakikita si Caleb pero may mga araw naman na hindi niya ito nakikita dahil chef ito at ang mga chef ay nasa loob lang ng kusina. Nakikita niya lang ang lalaki kapag lumalabas ito para tumulong sa pagse-serve. Napabuntong hininga siya at napailing. Hindi niya alam pero nararamdaman niya sa sarili na nagkakagusto na siya kay Caleb pero mukhang hindi naman siya nito nakikita. Tinatanguan lang siya nito kapag nakikita siya nito. He seems he's avoiding her but for what reason? Wala naman siyang ginagawang masama. Napabuntong hininga siya at pumasok sa kotse. Napatingin siya sa cellphone na nasa dashboard nang tumunog ito kaya naman kinuha niya ito at sinagot.
"Captain Garcia, speaking." Pagsagot niya sa tawag.
"Captain Garcia, go to the location that I will sent to you. There's another case of homicide." Imporma ni Chief Aquino sa kaniya.
She sighed. "Send me the location, Chief."
"Okay."
The call ended and seconds later, natanggap na niya ang location kaya naman kaagad siyang nagtungo doon. Mabilis ang pagpapatakbo niya sa kotse kaya naman kaagad siyang nakarating doon. Nang makarating siya sa location, kaagad siyang bumaba ng kotse. Nakita niyang may mga tao sa lugar at may mga nakarang na mga kasamahan niya sa mga tao para hindi lumapit ang mga ito.
"Ma'am." Sumaludo sa kaniya ang isang pulis.
Tumango lang siya saka deretsong pumasok sa loob ng bahay.
"Ma'am."
Nakita niya kaagad ang katawan ng babae na nakahandusay sa sahig. Nagsuot siya ng gloves.
"Anong nangyari?" Tanong niya at lumuhod. Tinignan niya ang katawan ng babae. May laslas ang leeg ng babae at halatang ginilitan ito.
Napailing siya.
"Ma'am, nakapagtanong na kami kanina. Siya si Fatima Reyes at ang suspek ay ang lalaking kinakasama niya. Si Benjamin Ramos." Sagot ni Santos.
"Nasaan siya ngayon?" Tanong ni Hazel.
"Nakita siya ng mga tao na tumatakbo paalis na parang may tinatakasan daw, Ma'am."
"Hanapin niyo siya." Yes, Ma'am."
Tumango si Santos. "Yes, Ma'am."
"At kailangang ipa-autopsy ang biktima dahil mukhang hindi iisang sugat ang tinamo niya." Sabi ni Hazel dahil sa mga nakitang dugo sa paligid ng babae.
"Yes, Ma'am."
Kumunot ang nuo ni Hazel at napatayo nang makita niyang may mga malalaking bakas ng sapatos sa sahig. Halatang dugo ang nakabakas sa sahig dahil sa kulay nito at patungo ito sa kusina. Sinundan ni Hazel ang bakas ng sapatos at tumigil ito sa back door. Binuksan niya ang pinto at nakita niyang patungo sa likurang bahagi ng lote ang mga bakas ng sapatos.
"Saan nakita ng mga tao na dumaan si Benjamin Ramos?" Tanong ni Hazel kay Santos na nakasunod sa kaniya.
"Sa main door, Captain."
Kumunot ang nuo ni Hazel. "Main door? Sigurado ka?"
"Yes, Ma'am."
Umiling si Hazel at itinuro ang mga bakas ng sapatos. "Kung sa main door dumaan si Benjamin Ramos, sino ang nagmamay-ari ng bakas ng sapatos na 'to?" Tanong niya.
Tinignan naman ni Santos ang mga bakas ng sapatos.
"Mukhang hindi lang si Benjamin Ramos ang kailangan nating hanapin." Sabi ni Hazel at bumalik sa kinaroroonan ng katawan ng babae.
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)