CHAPTER 21

500 31 0
                                        

CALEB and Hazel enjoyed the honeymoon. Na-relax at talagang nakapag-unwind silang dalawa. Ngayon pauwi na sila. Hazel is listening to music. Napapangiti na lang si Caleb habang nakatutok ang atensiyon sa kalsada.

"Caleb."

"Hmm?"

"Pwede ba tayong bumalik sa Aurora?" Tanong ni Hazel.

"Of course." Caleb answered. "Anytime you want."

"I really enjoyed staying there for two weeks. Isama natin si Clarence kapag pumunta tayo ulit sa Aurora." Ani Hazel.

"Sure." Ngumiti si Caleb.

Nang makarating sila sa kanilang bahay, sinalubong sila ni Clarence.

"Mommy! Daddy!" Sigaw nito. Tumakbo ito patungo sa kanila.

Sinalubong naman ni Hazel ang bata ng yakap. Hinalikan niya ito sa pisngi. "I miss you, Baby."

"I miss you too, Mommy."

Ginulo naman ni Caleb ang buhok ng anak. "How are you, Kiddo?"

"I'm fine, Daddy. Tita Maze and Tito Denver took care of me."

"Where are they?" Tanong ni Caleb.

"They're in the kitchen, Mommy."

"Are they cooking?" Tanong ni Hazel.

Tumango ang bata.

"Mauna na kayo. Ako na ang magdadala sa loob ng mga gamit natin." Sabi ni Caleb.

"Okay." Hazel said. Buhat niya si Clarence at pumasok sila sa loob ng bahay. Nagtungo sila sa kusina at nakita niya si Maze at Denver. Nakaupo si Maze sa upuan habang nasa harapan naman nito si Denver at naghihiwa ng karne.

Tumikhim siya. Sabay na napatingin sa kaniya ang dalawa.

"Dumating na ang mag-asawa." Sabi ni Maze habang nakangisi.

Tumawa ng peke si Hazel. "May kasalanan ka pa sa akin."

"Well, nag-enjoy naman kayong dalawa hindi ba?" Nakangisi pa ring sabi ni Maze.

Hazel rolled her eyes. Pinaupo niya si Clarence sa upuan at tinignan si Denver at Maze. "Kumusta kayong dalawa dito?"

"We're good." Sagot ni Denver habang nakangiti.

"We're not good." Sabi ni Maze at umirap pa.

"Mommy, ayaw po ni Tita Maze kay Tito Denver. Mabait naman po si Tito Denver, Mommy. Pero bakit po ayaw ni Tita Maze sa kaniya?" Biglang tanong ni Clarence.

Hazel smiled to her son. "Hindi ko rin alam, anak. Tanungin mo ang Tita mo." Sabi niya. Natawa siya nang magtanong si Clarence kay Maze habang nakaharap si Denver.

"Tita, bakit po ayaw mo kay Tito Denver?"

"Ang sama ng ugali niya." Sagot ni Maze na may pagkadisgusto.

"Huwag mo naman akong siraan diyan sa bata." Sabi ni Denver.

Tinaasan lang ni Maze ng kilay si Denver saka ito inirapan.

Napailing si Hazel. "Ang sungit mo talaga."

Maze tsk. Sumandal ito sa kinauupuan.

Umupo naman si Hazel sa tabi ni Maze.

Maya-maya ay pumasok na si Caleb sa kusina at tumulong ito kay Denver sa pagluluto. Habang si Maze naman at Hazel ay nakaupo sa mesa at kumakain ng prutas. Ganun din si Clarence. Nag-uusap si Hazel at Maze. Ganun din si Caleb at Denver.

May kaniya-kaniya silang usapan.

"Malapit na ang death anniversary ni Sophia. Uuwi ka ba?" Tanong ni Denver.

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon