PAGGISING na paggising ni Sophia, kaagad siyang tumakbo patungo sa banyo at nagsuka ng nagsuka sa sink pero laway lang naman ang nailalabas niya.
Nasapo niya ang ulo nang makaramdam siya ng pagkahilo. Humawak siya sa gilid ng sink.
"Caleb!" Tawag niya sa pangalan ng asawa. Alam niyang hindi pa ito umalis dahil palagi itong nagpapaalam kung aalis man ito para pumunta ito sa restaurant nito.
"Caleb!"
Nagmumog siya at naghilamos. Naglakad siya palabas ng banyo at muling humiga sa kama.
Bumukas naman ang pinto ng kwarto at pumasok si Caleb. "Ano 'yon, Hon?"
"Nahihilo ako."
Kaagad naman na lumapit si Caleb sa asawa. "Bakit?"
Umiling si Sophia. "Hindi ko alam. Basta paggising ko kanina. Nagsuka ako ng nagsuka at nahihilo na ako."
"May nakain ka bang hindi maganda?" Nag-aalalang tanong ni Caleb.
"Kagigising ko lang, Honey." Sabi ni Sophia at ipinikit ang mata. "Siguro mawawala rin 'to mamaya." Aniya.
"Matulog ka na lang muna ulit. Dadalhin ko na lang dito ang pagkain mo."
"Okay. Pero gusto ko ng mangga."
"Ha? Umagang-umaga?" Pagtataka ni Caleb.
"Pero gusto ko ng mangga." Parang iiyak ng sabi ni Sophia.
"O-okay...sige. Bibili ako."
"Mamaya na lang akong kakain kapag meron na ang mangga ko." Sabi ni Sophia.
Caleb kissed Sophia's forehead and before he left the room.
Kinuha niya ang kotse sa fishbowl na nakapatong sa mesang nasa sala. Lumabas siya ng bahay at pumasok sa kotse. Minaneho niya ito palabas ng compound at pinaharurot patungo sa bilihan ng prutas na nasa malapit.
Hindi napansin ni Caleb ang lalaking nakaitim na nakatayo sa tabi ng gate. Hindi niya ito napansin dahil nakapokus ang atensiyon niya sa daan at sa bibilhin niyang mangga para sa asawa niya.
Nang makarating si Caleb sa bilihan ng mga prutas. Kaagad siyang bumaba ng kotse.
"Manang, pabili po ng mangga." Sabi ni Caleb sa nagtitinda.
"Ang aga mo namang bumili ng mangga, Caleb."
Natawa si Caleb. "Para po sa asawa ko. Gusto niya raw po ng mangga."
"Baka naman naglilihi." Sabi ng tindera.
Kumunot ang nuo ni Caleb. "Hindi ko po alam. Pabili na lang po ng isang kilo."
"Oh, sige. Sandali lang."
Nagkilo ang tindera ng isang kilong mangga. "Heto na."
"Ito po ang bayad."
Kinuha ni Caleb ang biniling mangga at bumalik sa kotse. Pagpasok niya sa kotse, kaagad niya itong pinaandar at pinaharurot pauwi.
Pagkauwi niya. Nagmamadali siyang pumasok sa bahay at tinungo kaagad ang kwarto nilang mag-asawa. He wanted to ask his wife is she's really pregnant.
"Hon—shit! Sophia!"
Naabutan niya ang asawa na walang malay sa sahig. Kaagad niya itong nilapitan. Dumudugo ang nuo nito. Malamang tumama ang nuo nito sa matigas na bagay.
"Sophia?"
Pinangko niya ang asawa.
Isinugod niya ito sa hospital.
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)