TAHIMIK na nakaupo si Captain Hazel Garcia sa loob ng kaniyang opisina. Hindi mawala sa isipan niya ang lalaking nakita niya sa Asuncion's Restaurant, lalo na ang kaluluwa ng isang babae na nakatayo sa tabi nito.
Napabuntong-hininga si Hazel. Napatingin siya sa isang sulok ng opisina niya nang may nakita siyang nakaputing babae.
Hazel rolled her eyes. "Hindi ako natatakot sa 'yo." Sabi niya sa kaluluwa at napailing.
Minsan hinihiling niya na sana mawala ang kakayahan niyang 'to. Ang kakayahan niyang makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Hindi nga rin niya alam kung bakit siya nagkaroon ng ganitong kakayahan.
At hindi niya rin alam kung magpapasalamat ba siya dahil may kakayahan siyang ganito. May naitutulong kasi ang kakayahan niyang ito sa trabaho niya bilang isang pulis.
Bata palang siya nang matuklasan niya namay ganito siyang kakayahan. Minsan may mga nakakausap siyang mga kaluluwa. At kapag may nakakakita sa kaniya na nagsasalita mag-isa, tinatawag siyang baliw. Hinahayaan na lang niya ang mga taong tumatawag sa kaniya ng baliwa haggang sa nasanay siya.
Hazel came back to her reverie when there was a knock on her office door. Bumukas ito at pumasok ang isang pulis.
"Cap, pinapatawag kayo ni Chief. May kaso tayo ngayon ng homicide."
"Sige, pupunta na ako." Sabi ni Hazel at tumayo.
Lumabas siya ng opisina at nagtungo sa opisina ni Chief Aquino.
"Chief," sumaludo siya rito nang makapasok siya ng opisina nito.
"Captain Garcia, mabuti at nandito ka na. May homicide tayo ngayong kaso. Ikaw na ang uutusan kong pumunta para magimbestiga."
Tumango si Hazel, "sige po, Chief."
Lumabas siya ng opisina ni Chief Aquino at lumabas ng police station. Sumakay siya sa isang police car, kasama ang ibang pulis, nagtungo sila sa location kung saan naganap ang homicide.
Nang makarating sila doon, kaagad na tumabi ang mga tao at pinadaan sila. Kakaiba kaagad ang naramdaman ni Hazel nang makapasok siya sa loob ng bahay.
"God..." Usal niya.
Pakiramdam niya tumaas ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Malamig ang buong paligid pero pakiramdam niya siya lang ang nakakaramdam no'n dahil normal lang naman ang kilos ng mga kasama niya.
Huminga ng malalim si Hazel bago tumingin sa mga kasama. "Nasaan ang katawan?"
"Nasa kusina, Cap. Wala pang gumalaw." Sagot sa kaniya ng isang pulis.
Tinanguan niya ito at nagtungo siya sa kusina.
Hindi na bago 'to kay Hazel. Anim na taon na siya sa serbisyo bilang isang pulis at hindi na ito bago para sa kaniya pero nanlamig pa rin ang buo niyang katawan ng makita ang bangkay ng duguang babae.
"Tadtad siya ng saksak sa katawan, Captain. Hindi na talaga mabubuhay." Sabi ni Santos.
Napalunok si Hazel at lumuhod sa tabi ng bangkay. Nagsuot siya ng gloves at tinignan ang pulso. Wala na itong pintig at talagang patay na pero halatang sariwa pa ang mga sugat nito.
"May lead ba kung sino ang suspek?"
"Nagtanong na kami sa mga kapit-bahay kanina, Captain, pero ang sabi nila, lalaki daw ang lumabas mula rito sa bahay. Dati raw nitong kinakasama." Sagot ni Manzano.
Malalim na napabuntong-hininga si Hazel, "ilabas niyo na siya at ipa-autopsy. Kailangan ng matibay na ebidensiya."
"Yes, Captain."
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)