HAZEL stopped and looked at Sophia. Like the other day, they are here beside the window inside the Master's Bedroom and they are both looking outside the gate. Nandoon na naman ang lalaki at nakatingin sa kanilang dalawa. Nagtataka talaga si Hazel kung sino ang lalaking 'yon at may nararamdaman siyang panganib.
"Why are you stopping me? I just want to talk to him." Aniya.
Umiling si Sophia. Bigla na lang sumara ang bintana na nasa harapan niya. Hazel sighed. Minsan talaga hindi niya rin maintindihan ang mga kaluluwa ng mga namayapa na. She thought at first that they are scary but now, she doesn't think it was still the same. Napailing siya at binuksan muli ang bintana. Pagtingin niya wala na ang lalaki sa labas.
"Uh." She saw Neth entering the gate. Kumunot ang nuo niya. Lumabas ba ito para kausapin ang lalaki. Hazel looked at Sophia. She sighed and went outside the room. Bumaba siya sa living room at eksakto lang na kakapasok ni Neth sa loob ng bahay.
"Neth."
"Hazel?" Halatang nagulat pa si Neth.
"Are you okay? I saw you entering the gate earlier. Did you saw the man outside the gate? Nakausap mo ba siya?"
Umiling si Neth.
"Oh." Hazel sighed. Tumango siya saka nagtungo sa kusina. Clarence went out with Caleb. Pumunta ang mga ito sa restaurant. Ayaw niya munang lumabas sa araw na 'to. Hindi niya alam kung bakit.
Kumuha siya ng tumbler at nilagyan niya ito ng tubig saka siya muling umakyat. Bumalik siya sa Master's Bedroom. She planned to clean the room. Pampalipas lang ng oras. Inilapag niya ang hawak na tumbler sa bedside table. Tumingin siya sa loob ng kwarto, hindi na niya makita si Sophia kaya naman napahinga siya ng malalim. Kahit ngayon lang, hindi talaga siya komportable kung kasama niya ang kaluluwa ni Sophia lalo na kapag magkakasama sila ni Caleb at Clarence. It's awkward.
Hazel started to clean the room. Pero habang naglilinis siya sa ilalim ng kama, may napansin siyang isang bagay na naroon. Gamit ang walis, itinulak niya ang bagay na nakita niya palabas sa ilalim ng kama. Kumunot ang nuo niya nang makitang isa itong diary.
"Kanino naman kaya 'to? Caleb?" Natawa si Hazel sa naisip na pag-aari ito ng asawa niya. She chuckled and shook her head.
Binuklat niya ang diary. Natigilan siya nang makita ang pangalan ni Sophia na nakasulat sa unang pahina.
"Wala naman sigurong masama kung babasahin ko 'to besides walang magagawa si Sophia. She can't hurt me because she's already a spirit."
Umupo si Hazel sa gilid ng kama at nagsimulang basahin ang diary. Curious siya kung ano ang mga nakasulat. Some of the entry has dates while some entry doesn't have. Pero ang mga unang entry ng diary ay sa tingin niya college pa lang si Sophia. Napangiti na lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa.
Pero mukhang matagal ulit bago nakapagsulat si Sophia.
But what caught her attention is the Sophia's entry. Before the marriage.
'Hindi ko alam na kahit mature na ako, magsusulat pa rin ako dito sa diary. Masaya lang kasi ako na ikakasal na kami ni Caleb. Sobrang saya ko lang. Matutupad na ang pangrap ko, ang pangarap namin sa isa't-isa. Bubuo na kami ng isang masayang pamilya.'
- Sophia
Hazel smiled.
'Sa wakas, kasal na kami ni Caleb at sobrang saya ko.'
- Sophia.
"Sophia is still writing even after they got married," sabi ni Hazel sa sarili nang makitang marami pa ang mga nakasulat sa diary. "But why not just read it?"
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...