CHAPTER 29

498 27 0
                                    

SUMULYAP si Caleb sa asawa niya. Magmula nang manggaling sila sa police station, tahimik na ito at parang may malalim na iniisip. Alam na niya ang iniisip nito. Ang tungkol sa Ricardo Guillermo na pumatay kay Sophia at sa mga iba pang tumira sa bahay na nabili niya. Kung alam niya lang sana na ganun ang mangyayari, hindi na niya sana binili pa ang bahay na 'yon. Sana naghanap na lang siya ng ibang bahay. Kung alam niya lang sana.

"Caleb, bukas, huwag muna kayong umuwi sa bahay."

Kumunot ang nuo ni Caleb. "Bakit?"

"I'm planning to trap him. Huwag muna kayong umuwi ng bahay. Isama mo si Neth."

"No," seryosong sabi ni Caleb. "Hindi ako papayag, Hon. You'll face a danger. I won't let you face it."

Hazel sighed. "Caleb, I'm serious. Hindi ko pwedeng itaya ang buhay niyo."

"Seryoso rin ako, Hazel."

Napabuga ng hangin si Hazel. "Caleb, I will explain."

"There's no need to explain, Hazel. I know what you wanted to do and I won't stop you instead I will help you," seryosong sabi ni Caleb. "End of discussion. Period." Sinulyapan niya si Hazel.

Hazel looked at her husband. "Then if you wanted to help me, it's better if you give Clarence to Denver for the mean time."

"Okay."

Malalim na napabuntong hininga si Hazel. ­I hope that we will succeed.

Totoo ang sinabi ni Ma'am Lucy na dating pulis si Ricardo Guillermo.

"Chief, bakit hindi siya nakulong?" tanong niya.

Bumuntong hininga naman si Chief Santiago. "Iyan ang hindi ko alam. Wala pa ako dito noon. Hindi pa ako ang nakadestino dito nang mapatay ni Ricardo Guillermo ang asawa niya. Pero ayon sa mga narinig ko, walang nagsampa ng kaso at walang matibay na ebidensiya na siya nga ang pumatay. Ang anak naman niya ay hindi rin daw noon nagsasalita."

"Anak niya? Sino, Chief?"

"Sandali lang."

Tumayo si Chief Santiago at may kinuha sa steel cabinet. Kinuha niya ang isang folder na naroon at ibinigay kay Hazel. "Nandiyan na ang lahat ng mga kailangan mo, Captain."

"Thanks, Chief."

Ngayon nakatingin si Hazel sa folder na ibinigay ni Chief Santiago. Binuksan niya ito at tinignan. Binasa niya ang mga nakalagay sa profile ni Ricardo Guillermo. May asawa at anak. Patay na ang asawa at ito ang suspek sa pagpatay. May anak itong babae at Naneth Guillermo ang pangalan niya. Tinignan pa ni Hazel ang loob ng folder at nakita niyang may larawan doon na nakalagay. Kumunot ang nuo niya habang nakatingin sa larawan.

"Caleb, pakitigil ang kotse."

Kaagad naman na ipinagilid ni Caleb ang kotse. Tumingin siya sa asawa niya. "What's the matter?"

"Look at this picture." Ipinakita niya kay Caleb ang picture. "Parang may kamukha siya hindi ba?"

Kumunot ang nuo ni Caleb. "Yeah. Indeed. May kamukha nga siya," sabi niya.

Parehong nakatingin si Caleb at Hazel sa picture. Parehong nagtataka at iniisip kung sino ang nasa larawan. Nagkatinginan pa sila saka titingin ulit sa larawan.

Hazel gasped. "Impossible."

Caleb looked at his wife. "What's wrong?"

"Ricardo's daughter is Naneth Guillermo."

Tumango si Caleb. "Yes, it's her."

Tumango rin si Hazel. "Yes, it's her."

"Ah?" Nagtaka si Caleb.

The Ex-Wife Diary [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon