THREE YEARS LATER...
SOPHIA was looking outside the window when she noticed a man standing on the gate and he's looking at her. Kumunot ang nuo niya. Hindi alam niya pero nakaramdam siya ng kilabot na gumapang sa ugat niya dahil sa titig sa kaniya ng lalaking 'yon. But she was curious. Sino kaya ang lalaking 'yon?
Napansin niya ang lalaki noong nakaraang araw na nasa labas ng gate. Hindi niya alam kung ano ang kailangan nito. Basta nakatingin lang ito sa kaniya. Ayaw naman niyang lapitan ang lalaki kasi natatakot siya. Baka mamaya may masama pa itong balak.
"Mommy..."
Napatingin si Sophia sa tatlong taong gulang niyang anak. Nginitian niya ito at binuhat. "Hi, Baby," hinalikan niya ito sa pisngi.
"Mommy, anong oras po uuwi si Daddy?" Tanong ni Clarence.
"Mamaya pa siya uuwi, Baby. Hindi ba araw-araw naman na ganun ang Daddy mo. Mamayang hapon pa siya uuwi kasi may work siya." Maalumanay niyang sabi sa anak.
Tumango si Clarence. "Okay. Mommy, let's play."
Ngumiti si Sophia. "Anong gusto mong laruin natin?"
"Baril-barilan, Mommy."
Natawa at napailing si Sophia. Binaba niya ang anak. That's their daily routine. She and Clarence always play at kapag dumating naman si Caleb sa hapon, ito naman ang nakikipaglaro sa anak nila. Hindi siya nagta-trabaho dahil ayaw siyang pagtrabahuin ni Caleb. Dito na lang daw siya sa bahay at alagaan ang anak nila. Kumuha rin si Caleb ng isang kasambahay para may tumulong sa kaniya at kasama nila ni Clarence.
Caleb is spoiling her too much. Nararamdaman niyang mahal na mahal siya nito.
Muling dumungaw si Sophia sa bintana. Wala na doon ang lalaki. Nakahinga pa siya ng maluwang. Iba talaga e. Iba ang titig sa kaniya ng lalaking 'yon. Hindi niya alam pero kinikilabutan talaga siya.
Napaigtad si Sophia nang may marinig siyang nabasag sa kusina.
"Neth, ano ba 'yan?" Tanong niya sa kasambahay nila.
"Neth?!"
Nang walang sumagot, tumayo siya. Baka hindi siya nito narinig.
"Anak, punta lang ako sa kusina."
"Opo, Mommy."
Nagtungo si Sophia sa kusina. Wala naman siyang nadatnang tao doon. Wala si Neth. Napatingin siya sa nabasag na baso na nasa sahig.
Napabuntong-hininga si Sophia.
"Neth?!"
Sino naman kaya ang nakabasag ng baso. Wala naman dito si Neth. Wala namang pusang gala ang napadpad dito sa kusina.
"Ate, tinatawag mo po ba ako?"
Napalingon si Sophia kay Neth. "Oo. May nabasag kasi na baso, akala ko nandito ka at ikaw ang nakabasag. Saan ka ba nagpunta?"
"Naglilinis po ako sa itaas, Ate. Ako na lang pong maglilinis diyan sa bubog." Sabi ni Neth at kinuha ang walis tambo at dustpan.
"Salamat."
Paglabas niya ng kusina, may nakita siyang nakaputi na mabilis na dumaan sa living room. Sa likuran ni Clarence na naglalaro. She gasped. Inilibot niya ang tingin sa buong living room pero wala siyang nakitang ibang tao.
Sino 'yon?
Matagal na itong nangyayari. Parang may kakaiba sa bahay na 'to. Minsan may nakikita siyang nakaputi na mabilis na dadaan tapos mawawala rin kaagad. Hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari sa bahay na 'to? At minsan na rin niyang narinig na may nagtatawanan sa likuran ng mansyon pero wala naman siyang nakikita nang pinuntahan niya ito. Alam niyang may nangyayaring kababalaghan sa bahay na binili ni Caleb.
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...
![The Ex-Wife Diary [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/262034567-64-k397609.jpg)