HAZEL continued to read Sophia's diary. Umaasa siyang may makukuha siyang lead kapag nabasa na niya ang diary. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay kailangan niya itong basahin.
'Clarence ang ipinangalan namin sa baby namin ni Caleb. Siya ang nagpangalan. Cute. Kamukha niya ang daddy niya.'
Napangiti si Hazel.
'Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan. I saw a man in his fifties at the gate earlier. Ang sama ng tingin niya sa akin.'
Natigilan si Hazel. A man at the gate? Napatingin siya sa labas ng bintana. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Walang nakatayo doon na tao ngayon. Hindi katulad ng nakaraang araw na may lalaki doon na nakatayo. Kumunot ang nuo ni Hazel at nagpatuloy sa pagbabasa ng diary ni Sophia.
'Masaya kami ni Caleb sa apat na taon na naming pagsasama. Pero napansin ko lang na palagi kobg nakikita ang isang lalaki sa gate namin. Laging masama ang tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong masama.'
Habang binabasa ni Hazel ang diary. Kinakabahan siya sa hindi niya malamang kadahilanan. Napalunok siya.
'Natatakot ako na kausapin ang matandang lalaki dahil may nararamdaman akong panganib sa kaniya pero tinapangan ko na ang sarili ko. Gusto kong malaman kung ano ba ang problema niya sa akin pero tinalikuran niya ako at naglakad siya palayo.'
Huminga ng malalim si Hazel. Nagsimula na siyang pawisan. Is he the killer? She asked herself. But who is he?
'This time kinausap na ako nung matandang lalaki at binalaan niya ako na iwan ko na daw ang bahay na 'to kung ayaw kong mamatay. Ang weird 'di ba? Hindi ko na lang siya pinansin at inisip ko na lang na baliw siya.'
Binalaan? Nagtaka si Hazel. Is Sophia's death is related to this house? But how? What happened?
'Sa totoo lang natatakot na ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko pa nasasabi kay Caleb ang tungkol sa matandang lalaki na nagbabala sa akin. Isang linggo na siyang pabalik-balik sa tapat ng bahay namin. Wala ngayon si Neth at Clarence dahil pumunta sila sa park. While Caleb went to his work... Nandiyan na naman ang matandang lalaki...'
Naputol ang sulat at mahabang guhit ng ballpen ang kasunod nito. Tinignan pa ni Hazel ang ibang pahina pero wala na. Ito ang huling entry ni Sophia sa diary. Could it be that she's writing this entry before she died that day?
Hazel opened the clear page and saw a writing and it was written in blood.
'EVERYONE WHO WILL LIVE IN THIS HOUSE WILL DIE.'
Bahagyang nanlaki ang mata ni Hazel. Itiniklop niya ang diary. Everything made sense now. Now the motive was clear. But who is the killer?
Isa lang ang posible niyang pwedeng gawin. Hanapin ang dating nagmamay-ari sa bahay na 'to. Pero kanino naman kaya binili ni Caleb ang bahay na 'to? Kailangan niyang tanungin ang asawa niya pagkauwi nito.
Napabuga ng hangin si Hazel. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya. Parang naguguluhan yata siya. Tumingin siya sa labas ng gate at nanlaki ang mata niya nang makitang naroon ang lalaki. Is it him?
Mabilis na lumabas si Hazel ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdan. Nakasalubong pa niya si Neth pero hindi niya ito pinansin ng tawagin siya nito. Deretso lang siya patungo sa labas pero pagdating niya sa gate nila ay wala na ang lalaki. Lumabas siya ng gate pero hindi na niya talaga makita ang lalaki. Ang bilis naman nitong nakaalis.
Hazel sighed. Hindi mawala sa isipan niya ang nakasulat sa diary ni Sophia. Na lahat ng titira sa bahay na 'yon ay mamamatay. Ibig sabihin siya ngayon ang target ng killer. Pero ang killer ba na pumatay kay Sophia ay ang lalaking nakita niya sa gate. Tumingin siya sa balkonahe ng kwarto nila ni Caleb at nakita niyang naroon si Sophia. Nakatayo ito doon at nakatingin sa kaniya.

BINABASA MO ANG
The Ex-Wife Diary [COMPLETED]
ParanormalLumaki si Hazel na may espesyal na kakayahan. At iyon ay ang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na. Espesyal na kakayahan nga ba na ibinigay sa kaniya o isang sumpa na hindi niya alam kung matatakasan pa ba niya o hindi. Minsan na...