I

39 1 0
                                    

"Good morning, Mahal." Bati agad ni Theo pagkagising ko.

Nauna siyang nagising at naabutan ko siyang pinagmamasdan ako. "Good morning."

"Let's prepare breakfast. Ah, I also heard Celine earlier, mukhang maaga siya hinatid ni Dean pauwi."

Tumango na lang ako.

I've had a bad dream, yet I slept well. Ako 'yung tipo na kapag napansin kong panaginip lang ang nangyayari, hindi ako magmumulat ng mga mata instead kokontrolin ko ang nangyayari sa panaginip ko. I'll control it to my advantage. Kung minsan, naaalala ko pa ang detalye ng panaginip ko, kung minsan naman nakakalimutan ko pagkagising ko.

This time, I haven't forgotten anything. Kapag sinabi ko ang nangyari sa panaginip ko, will you call me a bad friend?

Sa panaginip ko, Cleo didn't die. She's alive and breathing. Nakaligtas siya sa aksidente pero nagtamo pa rin ng mga sugat and she was in a coma for 5 years. When she woke up, kami na ni Theo, may pamilya na si Lyra, engaged na sina Troy at Shey, at Celine at Dean, single pa rin si Dale. It's all the same as the reality except for the fact, buhay si Cleo.

Pagkagising niya mula sa coma, she couldn't move nor talk. Being in a vegetative state, all her motor skills weren't back as soon as she woke up. Pero nang makita niya kami, bumuhos lang ang mga luha niya. Pinunasan ni Theo ang basa niyang pisngi at hindi iniwan sa kanyang tabi si Cleo. During Cleo's therapy, Theo will be there by her side. Theo forgot about me. Theo forgot that we're in a relationship.

But when I knew it was just a dream, I had the urge to control it and change the ending. Hence, ginawa kong panaginip lang lahat ni Theo ang nangyari. That Cleo was really dead. That she will never come back to us.

Napatitig ako kay Theo na tumayo na at hinihintay akong bumangon din. Hindi ko sasabihin sa kanya ang napaginipan ko. Hindi ko rin alam kung anong mga nangyayari sa mga panaginip niya, basta ang alam ko, Cleo's in there.

"Mahal?" Tawag ni Theo.

I wonder what type of dreams he's having whenever Cleo's in there. Was it the accident or her death? O napapanaginipan niya ang mga nakaraan na magkakasama pa kaming lahat bilang magkakaibigan noong college? Gusto kong malaman pero ayoko rin naman masaktan lalo. Wala akong mapagsabihan ng tunay kong nararamdaman. Kahit na magkasama kami ni Celine sa apartment at trabaho, we both have our own lives to mind. I can't say my worries to her.

Desisyon ko rin na mapalapit kay Theo. Desisyon ko na pasukin ang relasyong ito kahit na masyadong mahirap ang kalaban ko. Who would rival with a dead person? Alam ko at nararamdaman ko ang pagmamahal ni Theo sa akin, I know his efforts and he's trying. Pero mas nasasaktan ako dahil alam kong sinusubukan niya. Para sa akin, he shouldn't put an effort to make me feel loved. It should be no effort, dapat ramdam ko lang basta na mahal niya ako, na wala akong kahati sa puso at atensyon niya.

"Mahal? Are you okay?"

Napatalon ako sa paghawak niya sa balikat ko. "Ha?"

"You're dozing off. Inaantok ka pa ba? Gusto mo matulog muna? Ako na magpi-prepare ng breakfast."

Umiling agad ako. "I'm fine. Mag-toothbrush lang ako." Sabi ko at pumasok na agad sa banyo sa labas ng kwarto.

Iisa lang ang banyo sa apartment at maliit pa. Nauna nang lumabas papunta sa kusina si Theo para magtingin ng mailuluto. For the groceries, syempre, kanya kanya kami ni Celine pero okay lang naman sa amin dalawa na kumuha sandali ng iilang ingredients sa bawat isa kung magkulang man at papalitan namin sa susunod na mag-grocery kami.

Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon