Kabanata 5

40 0 0
                                    

Kabanata 5


"Theoooo!" Sigaw ni Shey sa labas ng kwarto at sunod sunod na katok sa pintuan ang narinig ko.


It's Saturday at pinlano kong matulog nang mahaba ngayon pero anong oras pa lang, may nanggugulo na. Ginulo ko ang buhok ko at sinoot ang salamin ko. Tumayo ako at pinagbuksan ng pintuan ang kakambal ko. Mabilis siyang nakapasok at nilagpasan ako. Pumunta agad siya sa kama ko at sumandal sa headdress.


Hindi ko siya pinansin at bumalik na rin sa kama para humiga. Pumikit na ako para sana ituloy ang tulog ko pero kinalbit niya ako.


"Ano?" Tamad kong tanong pero hindi ko siya hinaharap.


"Alam ko na problema nina Zed at Clint."


Nawala ang antok ko sa narinig ko. Bumaling ako sa side ni Shey at nilingon siya. Nakangisi siyang nakatingin sa akin. Kakagising lang din niya pero agad siyang pumunta rito. Ang alam ko, silang dalawa ni Troy ang magkasama na sinusundan o inaalam kung anong meron kanila Zed at Clint.


"I just got the text from Troy. It happened when they first joined the basketball team 2 years ago, but it's not about basketball. May kaibigan silang babae named Ylonna, Zed fell in love with her but Clint was already courting her. Nung naging sila Clint at Ylonna, okay lang kay Zed dahil magkakaibigan pa rin sila. Later on, nag-break sina Clint at Ylonna at walang nakakaalam ng dahilan except the three of them."


"So meaning, galit si Zed kay Clint dahil sa break up nila ni Ylonna, which he knows and probably, sinisisi niya si Clint. At nasira ang friendship nila, umalis 'yong Ylonna?"


"Exactly!" Ngumisi si Shey.


"I wonder what caused their break up?"


"No one knows, silang tatlo lang."


"At bakit magkasama pa rin sina Clint at Zed ngayon kung galit pala ang isa at alam nila ang nangyari?" Pagtataka ko.


"No one knows, silang tatlo lang." pag-uulit ni Shey.


"Okay, thanks for the info, Shey."


Bumaling na ulit ako sa kabilang side at pumikit na ulit. Nararamdaman ko pa rin ang antok kahit na nalaman ko na ang problema sa pagitan nina Clint at Zed. Napuyat kasi ako kagabi kakabasa.


Hindi ko naramdaman ang pag-alis ni Shey sa kama ko pero nakatulog na ako. Pagkagising ko, wala na siya sa kwarto ko. Chineck ko ang oras at nakitang mag-aalas diyes pa lang. Bumangon na ako at naghilamos. Bumaba ako at nag-almusal mag-isa. Naabutan ko si mommy naglilinis.


"Anak, nasaan ang kapatid mo? Darating ang Tita Sheena mo saka si Chace."


"Baka po nasa kwarto." Sabi ko.


"Okay."


Pagkatapos kong mag-almusal, pinuntahan ko sa kwarto si Shey. Naabutan ko siyang nakikipag-usap kay Troy sa phone. Napailing na lang ako.


"Darating sina Tita Sheena at Chace." Sabi ko.


"I know, Chace texted me."


Tumango na lang ako saka lumabas na ng kwarto. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at naligo. Si Kuya Stanley ay paniguradong nasa restaurant na. Si daddy ay baka nandun din dahil hindi ko siya nakita sa bahay.


Pagkatapos kong maligo, nagbasa na lang ulit ako. Wala pa naman sina Tita.


"I want to plant a seed in your mind, some tiny particle of thought that bears a remnant of me. So little by little, day by day, you find yourself thinking of me, until one morning, you will wake up and realize you can't think of anything else."
                                                          - Lang Leav


Sana Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon